Darryl Yap: Nakakapeste lang na sasabihing nakiki-ride on kami sa JaDine | Bandera

Darryl Yap: Nakakapeste lang na sasabihing nakiki-ride on kami sa JaDine

Ervin Santiago - September 26, 2021 - 11:43 AM

Aubrey Caraan, Marco Gallo, James Reid, Nadine Lustre at Darryl Yap

MATAPANG na sinabi ni Darryl Yap na hindi nila kailangan ang anumang fandom para mai-promote at maraming manood ng bago niyang pelikula under Viva Films/Vivamax.

Ang tinutukoy ng kontrobersyal na direktor ay ang pelikulang “Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso” na launching movie nina Aubrey Caraan at Marco Gallo.

Sa mga hindi pa nakakaalam, ang nasabing protekto ay para talaga kina Nadine Lustre at James Reid ngunit na nga natuloy dahil sa ilang mga issue. Hanggang sa ibigay na ito ng Viva kina Aubrey at Marco.

Sa nakaraang virtual presscon para sa cast ng “Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso” napilitang sagutin ni Darryl ang tanong sa mga lead stars niya kung matindi ba ang pressure na nararamdaman nila dahil nga sina Nadine at James ang first choice sa movie.

“Sa totoo lang, because I am a writer and I’m from social media, yung mga unang pelikula ng JaDine, galing ‘yan ng Wattpad. So, ako, sinubaybayan ko rin ‘yan.

“Kung paano nagsimula si Nadine at saka si James, mas magaling si Aubrey at saka si Marco sa ngayon na nagsisimula itong dalawa. That’s my opinion,” simulang paliwanag ng direktor.

Aniya pa, “Ayoko kasi, magsalita na naman itong mga artista, tapos maku-quote na naman sila ng iba-iba. Mamaya, sumawsaw na naman si Kuya Kim (Atienza). Charot!” Ang tinutukoy ni Direk ay ang komento ni Kuya Kim sa naging pahayag ni Marco para sa pagsali ng dating ka-loveteam na si Kisses Delavin sa Miss Universe Philippines 2021.

Chika pa ni Darryl, “Ang pinakamasasabi ko diyan, Nadine and James were never brought up sa shoot namin. Never kong narinig sa dalawang ito na, ‘Naku, galingan natin.’

“Never kong sinabi sa set na, ‘O, galingan niyo. This project was intended for Nadine and James.’ We don’t have that. And the reason why I shared the fact is because I was asked kung ito ba yung dapat gagawin ni Nadine, and I was told by the bosses, it was. So, sinabi ko lang. Not for anything else,” paglilinaw pa niya.

Ibinandera rin ng direktor ang milyun-milyong followers sa social media ng Beks Batallion, na ka-join din sa “Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso” bukod pa sa kanyang mga loyal subscribers sa YouTube at iba pang socmed accounts.

“And now, with six million followers ng page ko, ng Vincentiments, with the convergence of Beks Battalion, tapos yung husay ni Aubrey at saka ni Marco, nakakapeste lang na sasabihin na nakiki-ride on lang kami sa JaDine.

“Well, sa palagay ko, hindi na sila ganoon kaingay ngayon, and this is just my opinion. We are not riding on any fandom, especially Chad na very JaDine fan.

“Nahe-hurt ‘yan kapag sinasabing ginagamit ni Aubrey si Nadine, ginagamit ni Marco si James, walang ganoon. We never thought of it,” sabi pa ni Darryl.

“And just to set the record clear, I myself, kaya ako nasasabihan na mayabang because I’m always straight to the point. We don’t need any fandom to actually promote a movie.

“This is the best that I have done so far. Siguro, yung best ko, basura pa rin sa iilan. Or siguro, yung best ko, basic or mediocre para rin sa nakararami.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero this project is very close to my heart. Ito yung masasabi kong unang film ko na direktor na direktor talaga ako. Kasi sa ‘Revirginized,’ fan na fan ako du’n ni Ms. Sharon Cuneta, e,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending