SB19 Stell umaming single na single pa rin: 'Pero taken na ng A'TINs' | Bandera

SB19 Stell umaming single na single pa rin: ‘Pero taken na ng A’TINs’

Ervin Santiago |September 13,2023
facebook
share this

SB19 Stell umaming single na single pa rin: ‘Pero taken na ng A’TINs’

Ervin Santiago - September 13, 2023 - 01:28 PM

SB19 Stell umaming single na single pa rin: 'Pero taken na ng A'TINs'

SB19 Stell

IBINANDERA ng SB19 member na si Stell Ajero na single na single pa rin siya ngayon pero “taken” na raw ng mga A’TIN, ang tawag sa grupo ng kanilang fans.

In fairness, trending at viral na ang guesting ni Stell kahapon sa “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon, September 12, na talagang inabangan at tinutukan ng mga SB19 fans all over the universe.

Game na game na sinagot ni Stell ang mga maiintrigang tanong ni Tito Boy pati na ang ilang personal questions na first time pinag-usapan sa isang interview.

Isa nga sa napag-usapan sa panayam ay kung paano nagsimula ang tawag kay Stell bilang “Forever Boyfriend” ng SB19 fans.

Paliwanag ni Stell, “Naisip ko lang po ‘yun na gawing tagline sa mga concerts namin kasi meron po kaming inside joke ng A’TIN e. Ako po kasi ‘yung pinakamakulit, nakikipagusap sa kanila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vester Ajero (@stell16_)


“So, meron pong one time na in-interview kami, hindi ko na po maalala kung anong interview ‘yun, tinanong po ako kung meron akong girlfirend and sinabi ko po, ‘Wala.’

Baka Bet Mo: Kakai Bautista grabe magpaka-fan girl kay Stell ng SB19: ‘Sobrang nagustuhan ko siya kasi…’

“Tapos lahat po sila nagtampo sa social media na parang, ‘A, wala ka pa lang girlfriend. So, ano kami?’ So sabi ko, ‘A, gusto niyo pala ng ganitong klaseng biruan,'” aniya pa.

“So, ever since po sabi ko, ‘Sige dahil ‘yan ang gusto niyo, ako na ‘yung forever boyfriend niyo.’

“So, sa mga posts ko, sa mga lines na sinasabi ko or mga spiels ko sa concert namin lagi ko silang ini-include na ako ‘yung boyfriend nila. Which is nakakatuwa kasi meron kaming ganu’ng interaction,” sey pa ng binata.

Ngunit paglilinaw ni Stell, “Pero, may boundaries pa rin. Hindi po siya talagang sineseryoso ng A’TIN. Natutuwa po ako na meron kaming ganu’ng klaseng connection po.”

Sundot na tanong ni Tito Boy kay Stell, “Itatawid ko lang ‘yun. Sa personal na buhay are you single?” Sagot ni Stell, “Yes po. Pero taken ng A’TIN.”

Napapanood ngayon si Stell bilang isa sa coach ng “The Voice Generations” kasama sina Billy Crawford, Julie Anne San Jose at Chito Miranda, kasama ang host ng show na si Dingdong Dantes.

SB19 todo pasalamat sa A’TINs: Sila ang susi sa tagumpay namin!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Chito Miranda mas bumilib pa kay SB19 Stell nang makasama sa The Voice Generations: ‘Napaka-humble at hindi nagmamarunong’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending