SB19 Stell inatake ng matinding nerbiyos nang mapiling coach sa ‘The Voice Generations’: ‘Sabi ko nga, ‘Bakit hindi si Pablo o si Ken o kahit sino sa aming 5’
SOBRANG nerbiyos at kaba ang naramdaman ng SB19 member na si Stell Ajero nang unang sumalang bilang isa sa mga coach ng upcoming reality talent show ng GMA 7, ang “The Voice Generations.”
Makakasama niya bilang mga celebrity coach sa spin-off ng biggest singing competition sa buong mundo ang award-winning international singer, dancer, at host na si Billy Crawford, si multi-awarded and best-selling recording artist and Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose; at Filipino rockstar and lead singer ng Parokya Ni Edgar na si Chito Miranda.
“Siyempre po kasi baguhan pa lang ako sa industry and nu’ng nalaman kong si Julie Anne, si Kuya Billy, and then si Sir Chito, siyempre mga big name na ‘yun, e, ako naman SB19 Stell pa lang naman ako.
View this post on Instagram
“So, nakaka-pressure kasi kahit naman sabihin ko na may fandom kami, may A’TIN, iba rin siyempre ‘yung mga hatak ng mga kasama kong coaches, ma malalakas ‘yun e, mga batikan,” paliwanag ng binata.
Si Stell ang tumatayong main choreographer ng super P-pop group na SB19, kasama sina Pablo Justin, Josh, at Ken.
“Sabi ko nga, ‘Bakit hindi si Pablo o si Ken o kahit sino sa aming lima? Pero sabi nila, parang siguro naisip nila na it’s my time para magkaroon naman ng project na masasabing bagay sa akin.
“So, happy ako na naging same ng decision yung management, and of course yung members ko. Happy sila na ako yung napili, and sobrang excited sila, and niru-root nila ako for the show po.
Baka Bet Mo: Kakai Bautista sinugod ang SB19 sa ‘Eat Bulaga’, kilig na kilig kay Stell: Sorry naaaaaa! Na-starstruck ako!
“Parang sa group chat nga po namin laging ina-update sila kung ano na po yung nangyari sa shoot, kung anong ginagawa ko,” pahayag ni Stell sa ilang members ng entertainment press.
Dugtong pa niya, “And kahit sila, inaasar nila ako sa GC na parang, ‘Good luck today, Coach Stell!’ So happy po, nakakatuwa.”
Pangako ni Stell, itotodo na niya ang lahat ng nalalaman niya para sa mga contestants ng “The Voice Generations” na mapipili niya during auditions.
View this post on Instagram
“Yung grupo namin turning five years pa lang po kami, pero yung suporta, pagmamahal and yung tiwala na nakukuha ko, hindi lang sa kanila, pati sa mga tao dito sa aking bagong tahanan na GMA, grabe yung suporta.
“Talagang sabi ko, kukunin ko ito at gagawin ko yung lahat ng makakaya ko para mapakita ko sa kanila na deserving ko yung isang lugar na to para mapabilang sa mga coaches. Kaya masaya ako na naging Kapuso ako. Maraming-maraming salamat po,” aniya pa.
Samantala, todo rin ang pasasalamat ni Stell sa lahat ng fans ng SB19 all over the universe, “Sobrang thankful din po ako sa A’TIN kasi, sa totoo lang, sila rin yung naging reason bakit talagang naglakas-loob akong tanggapin yung project.
“Kasi kung wala naman talagang taong naniniwala sa akin, hindi ko rin pagkakatiwalaan yung sarili ko,” aniya pa.
Magsisimula na ang “The Voice Generations” sa August 27, sa GMA 7, hosted by Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.