SB19 Stell na-pressure kina Billy, Julie Anne at Chito bilang coach sa 'The Voice Generations', pero handa nang 'makipagbardagulan' | Bandera

SB19 Stell na-pressure kina Billy, Julie Anne at Chito bilang coach sa ‘The Voice Generations’, pero handa nang ‘makipagbardagulan’

Ervin Santiago |July 16,2023
facebook
share this

SB19 Stell na-pressure kina Billy, Julie Anne at Chito bilang coach sa ‘The Voice Generations’, pero handa nang ‘makipagbardagulan’

Ervin Santiago - July 16, 2023 - 07:34 AM

SB19 Stell na-pressure kina Billy, Julie Anne at Chito bilang coach sa 'The Voice Generations', pero handa nang 'makipagbardagulan'

Chito Miranda, Julie Anne San Jose, Billy Crawford at SB19 Stell

NA-PRESSURE nang bonggang-bongga ang member ng super P-pop group na SB19 na si Stell Ajero nang malaman niya kung sinu-sino pa ang magiging coach sa “The Voice Generations.”

Makakasama ni Stell bilang celebrity judge at coach para sa first-ever “The Voice Generations” in Asia sina Billy Crawford, Julie Anne San Jose at Chito Miranda.

Kuwento ni Stell sa panayam ng GMA Network, nang ialok sa kanya ang nasabing proyekto ay hindi siya nag-alinlangang tanggapin ito dahil naniniwala siya na marami siyang maise-share sa mga magiging contestants.

Aniya talagang suportado siya ng kanyang mga kasamahan sa SB19 sa bagong achivement niyang ito, pati na rin ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vester Ajero (@stell16_)


“I think wala naman akong reason to say, ‘no,’ kasi even my friends, colleagues, family, and SB19 members, nu’ng nalaman nila ‘yung news na ‘yun, talagang sila ‘yung number one na nagsabing, ‘O, Stell kapag ‘yan pinalampas mo pa, hindi na namin alam kung anong gagawin sa ‘yo.’

“So parang sa kanila pa nanggaling na excited sila for me para sa project na ‘to. So isa rin ‘yun sa mga naging reason para maging positive ako about this kaya sabi ko, ‘Game!'” aniya pa.

Baka Bet Mo: Kakai Bautista sinugod ang SB19 sa ‘Eat Bulaga’, kilig na kilig kay Stell: Sorry naaaaaa! Na-starstruck ako!

Nang malaman niya raw na makakasama niya sina Billy, Chito at Julie Anne bilang coach, totoong nakaramdaman siya ng pressure at kaba.

“Siyempre po kasi tulad nga po ng nasabi ko baguhan pa lang ako sa industry and nu’ng nalaman kong si Julie Anne, si Kuya Billy, and then si Sir Chito, siyempre mga big name na ‘yun, e, ako naman SB19 Stell pa lang naman ako.

“So, nakaka-pressure kasi kahit naman sabihin ko na may fandom kami, may A’TIN, iba rin siyempre ‘yung mga hatak ng mga kasama kong coaches, ma malalakas ‘yun e, mga batikan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)


“Kaya excited na lang ako na mag-start talaga ‘yung show, excited akong makipag-banter sa kanila, makipag-agawan ng talent sa kanila.

“Yun ‘yung mga dapat nilang abangan kung paano ko susuyuin ‘yung mga talents and paano ko aagawin sa other coaches ‘yung mga talents,” pahayag ni Stell.

Hosted by Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, ang “The Voice Generations” ay ang latest spin-off ng biggest singing competition sa mundo na “The Voice” mula sa ITV Studios.

Kim na-pressure sa outfit requirement sa birthday ng kaibigang stylist

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Chito Miranda mas bumilib pa kay SB19 Stell nang makasama sa The Voice Generations: ‘Napaka-humble at hindi nagmamarunong’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending