Kim na-pressure sa outfit requirement sa birthday ng kaibigang stylist Bandera

Kim na-pressure sa outfit requirement sa birthday ng kaibigang stylist

Reggee Bonoan |November 20,2021
share this

Kim na-pressure sa outfit requirement sa birthday ng kaibigang stylist

Reggee Bonoan - November 20, 2021 - 03:43 PM
Kim na-pressure sa outfit requirement sa birthday ng kaibigang stylist

Kim Chiu

PRESSURE para sa kilalang stylist ng mga sikat at magagandang aktres sa Philippine showbiz na si Adrianne Concepcion dahil kailangan siya ang pinakamaganda sa lahat ng clients-friends niya.

Base sa Instagram post ni Kim Chiu ay nagdiwang ng kanyang kaarawan si Adrianne at nagpa-picture siya kasama ang mga aktres.

Ang caption ni @chinitaprincess, “Last night was for our main girl @adrianneconcept (emojis heart, cake and wine) happy birthday chinibesh! Thanks for always making us look our best! love you! (emoji kiss).”

Pero mas na-pressure pala si Kim sa lahat dahil, “Outfit requirement by chinibesh (heels and dress) bilang pasaway ako choose one nalang, dress and of course sneakers! para comfy! Mag english na nga ako mag heels pa! cheret!
Last night was super duper fun!!! Thank you girls @lovipoe @meganbata @kylieverzosa @coleen @maxcollinsofficial and birthday.” girl adrianne! where to next?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)

Pero may komento si @armee0528, “They are all beautiful and 2 were beauty queens YET, KIM is STILL the most beautiful of them all bcoz of her ANGELIC face and aura… Sobrang maamo mukha niya at d mabagsik/matapang tingnan. And of course, the most popular and best actress of them all.”

Ha, ha, oo nga naman pawang mga englisera ang mga kasama niya sa picture. Iba ka talaga @chinitaprincess.

And wait, there’s more na nakababaliw na post ni Kim na sa tingin namin ay hindi kayang gawin ng mga pangalang nabanggit. May mensahe ang TV host/actress sa kanyang kasama sa loob ng dalawang taon, ang Faceshield.

Nag-post ang dalaga ng larawan niyang may iba’t ibang emotion suot ang faceshield at ang caption niya.

“Salamat sa lahat ng pinagsamahan natin, almost two years din tayong mag-ON, masaya ako na dumating ka sa buhay ko kahit minsan naiinis nako sa’yo pero wala akong narinig na reklamo mula sa’yo, salamat sa pag protekta sakin sa mga bagay na kinakatakutan ko.

“Ikaw pa nga ang unang humaharap. Masaya ako na nakilala kita face to face. Mamimiss kita, pero I think its about time to let go! Ingat ka ha? ‘Wag kana balik. Salamat nalang sa lahat. Move on na tayo! lels #SalamatFaceShield

Related Chika:
Kim sumablay sa Bible verse, ninega ng bashers: Nakakabastos naman…
Kim niregaluhan ni Xian ng OOTD na pang-motor: Para raw ready ako umangkas sa kanya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending