Kim niregaluhan ni Xian ng OOTD na pang-motor: Para raw ready ako umangkas sa kanya! Bandera

Kim niregaluhan ni Xian ng OOTD na pang-motor: Para raw ready ako umangkas sa kanya!

Reggee Bonoan |May 05,2021
share this

Kim niregaluhan ni Xian ng OOTD na pang-motor: Para raw ready ako umangkas sa kanya!

Reggee Bonoan May 05, 2021 - 02:17 PM

HINDI pa marunong mag-motor si Kim Chiu kaya umaangkas-angkas lang muna siya sa boyfriend niyang si Xian Lim.

At para maging legal ang mga lakad nila at hindi mahuli sa mga checkpoint ay binilhan ng aktor ang kanyang girlfriend ng helmet at jacket.

Ipinost ni Kimmy sa kanyang social media accounts ang mga ibinigay na gamit sa kanya ni Xian pati na ang mga litrato nila habang naglilibot sa isang village overlooking Antipolo.

Ayon kay Kim, “Chased the sunset and witnessed the magic hour.

Someone bought me a full gear para daw ready ako umangkas sa kanya!

Thank you xiiiiiiii @xianlimm (kiss emoji) ang bigat ng helmet di talaga ako mauuntog nito!

“PS village-village muna tayo ah para sure! hihi #sigurista.”

Sa kasalukuyan ay hindi pa inaanunsyo ang bagong teleserye na gagawin ni Kim sa ABS-CBN dahil hindi pa buo ang cast. Pero ang balita namin ay may dating GMA artist na excited nang makatrabaho si Kim na ibig sabihin ay kasama siya sa bagong project ni Kimmy.

Anyway, sa “It’s Showtime” palang napapanood ang TV host-actress at isa sa mga araw na ito ay malalaman na kung anong serye itong pagbibidahan niya.

Wala namang binanggit ang aming source kung makakasama niya uli rito si Xian Lim. Ang huling serye ng tambalang KimXi sa ABS-CBN ay ang “Love Thy Woman”.

Samantala, may ipinost din si Xian ng larawan nila ni Kim habang magkasama sila sa mamahalin nitong motorsiklo.

Caption ng aktor sa kanyang Instagram post, “From my camera naman @chinitaprincess. ‘Yung riding boots mo hehe ‘yan na susunod nating kukunin for you. Soot mo na jacket next time!”

Oo nga, parang hindi nga bagay ang suot na boots ni Kim sa kanyang full gear na bigay ni Xian.

Isang follower nina Kim at Xian (@marilou0903) ang nagkomento ng, “Hoping you get married soon.” At marami rin ang sumang-ayon na ito rin ang panalangin nila na magpakasal na sila.”

Pero nagprotesta naman si @fewgoodmen2021, aniya, “@marilou0903 Soon talaga? Xian still need to save up for future business na fall back n’ya. Most ka-edad n’ya are into business na but s’ya ini-enjoy palang n’ya ‘yung mga bagay na di nya nabibili dati.”

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending