Chito Miranda nilinaw na joke lang ang sinabi tungkol sa SB19 members na sina Stell at Pablo: 'Heads up lang sa mga sobrang seryoso diyan' | Bandera

Chito Miranda nilinaw na joke lang ang sinabi tungkol sa SB19 members na sina Stell at Pablo: ‘Heads up lang sa mga sobrang seryoso diyan’

Ervin Santiago |July 04,2023
facebook
share this

Chito Miranda nilinaw na joke lang ang sinabi tungkol sa SB19 members na sina Stell at Pablo: ‘Heads up lang sa mga sobrang seryoso diyan’

Ervin Santiago - July 04, 2023 - 07:13 AM

Chito Miranda nilinaw na joke lang ang sinabi tungkol sa SB19 members na sina Stell at Pablo: 'Nakakainis lang kasi sobrang galing talaga nila'

Billy Crawford, Stell at Chito Miranda

AGAD nagpaliwanag ang OPM legend na si Chito Miranda tungkol sa ipinost niya sa social media na may kaugnayan sa dalawang miyembro ng super P-Pop group na SB19.

Ang tinutukoy namin ay sina Stell at Pablo na parehong pinangalanan ng Parokya ni Edgar frontman sa kanyang Instagram post kamakailan.

Nagbahagi si Chito sa IG ng litrato nila ni Stell kasama ang TV host-actor-singer na si Billy Crawford. Magkakasama ang tatlo bilang coach, plus Julie Anne San Jose sa upcoming reality talent search ng GMA na “The Voice Generations”.

Ang isinulat ni Chito sa caption, “Tambay sa backstage with Billy and Stell.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vester Ajero (@stell16_)


“Rehearsals kami today for The Voice Generations, so kinukulit namin ni Billy si Kuya Stell kung ano ba ang maipapayo nya sa amin,” sey ng husband ni Neri Miranda.

Dagdag pang pahayag ni Chito, “Pero honestly, kinukulit lang namin si Stell tungkol sa SB19.”

“I just found out that they write their own songs, and they work closely with their producers and musical arrangers…which was mind blowing kasi akala ko meron silang team to handle the creative stuff for them.

Baka Bet Mo: Sharon may mga taong gustong ipasuntok sa mukha; inalala sina Aga at Goma

“Ganu’n kasi yung mga napapanood ko na documentaries re boybands and Kpop groups…so it was refreshing for me (and sobrang nakakabilib) nu’ng nalaman ko na sila pala talaga lahat.

“Wala lang…nakaka-inis lang kasi sobrang galing talaga nila.

“Hindi lang sila magaling na performers…magaling sila na artists,” lahad ni Chito.

Pahabol pa niya, “Anyways…sabi pala ni Stell mas magaling daw sya kay Pablo.”

Obviously, may ilang sumeryoso sa joke ni Chito at kung anu-anong kanegahan agad ang pinagsasabi sa social media. Mukhang hindi nila na-gets ang binitiwang biro ng singer-songwriter.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vester Ajero (@stell16_)


May mga nagsabi pa kay Chito na huwag daw itong gumagawa ng isyu dahil maayos at solid ang samahan ng SB19. Hindi rin daw sila naniniwala na magyayabang nang ganu’n si Stell dahil kilala raw nila ito bilang mabait at marespetong tao.

Sa comments section ng kanyang IG photo, ay nag-post uli si Chito at nilinaw ang kanyang sinabi about Stell and Pablo.

“O heads up lang sa mga sobrang seryoso jan ha? Joke lang po yun. Stell had nothing but praises for Pablo (kaya nga tinanong ko kung sino si Pablo eh).

“Sabi ni Stell si Pablo daw yung parang leader nila pero ayaw daw ni Pablo na tinatawag syang leader haha!

“Tsaka panay puri sya ibang members. O kita nyo naman ha…talagang naki-chismis na ko sa SB19,” paliwanag pa ni Chito Miranda.

Kakai Bautista sinugod ang SB19 sa ‘Eat Bulaga’, kilig na kilig kay Stell: Sorry naaaaaa! Na-starstruck ako!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

SB19 todo pasalamat sa A’TINs: Sila ang susi sa tagumpay namin!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending