SB19 todo pasalamat sa A'TINs: Sila ang susi sa tagumpay namin! | Bandera

SB19 todo pasalamat sa A’TINs: Sila ang susi sa tagumpay namin!

Ervin Santiago |May 11,2021
facebook
share this

SB19 todo pasalamat sa A’TINs: Sila ang susi sa tagumpay namin!

Ervin Santiago - May 11, 2021 - 10:56 AM

ABOT-LANGIT ang pasasalamat ng phenomenal P-Pop group na SB19 sa milyun-milyon nilang A’TIN fans mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Ito’t matapos nga silang mapasama sa listahan ng nga nominado para sa kategoryang sa Top Social Artist  ng bonggang-bonggang Billboard Music Awards 2021.

Dito makakalaban nila ang iba pang finalists tulad ng US hitmaker na si Ariana Grande at ang nga sikat na South Korean pop groups na BTS, Blackpink at Seventeen.

Ayon sa SB19 na kinabibilangan nina Josh, Pablo, Stell, Ken at Justin hindi nila mararating ang estadong kinalalagyan nila ngayon kundi sa kanilang mga loyal supporters na hindi sila iniwan mula pa noong nangangarap pa lamang sila.

In fairness, ilang beses na rin silang gumawa ng history sa larangan ng musika at entertainment bilang mga pambatong singer at dancer ng bansa.

Ilan sa mga parangal na natanggap nila ay ang kanilang award bilang unang Pinoy group na nakasama sa Billboard’s Next Big Sound Chart at unang SouthEast Asian act sa Billboard Top 10 Social 50.

Samantala, last Sunday ay naging top trending topic din sa Twitter ang performance ng SB19 para sa Mother’s Day special ng “All-Out Sundays” ng GMA 7.

Sabi nga ng isa sa host ng programa na si Christian Bautista matapos mapanood ang paghataw ng grupo, “Nakakaproud bilang Pilipino na naabot nila ang Billboard Music Awards.”

Nagbigay naman ng mensahe ng pasasalamat si Stell para sa lahat ng A’TIN’s, na talagang nag-e-effort na bumoto at nanonood sa kanila sa iba’t ibang online platforms.

“Siyempre po, hindi namin makakalimutan ang aming pinakamamahal na A’TIN’s.

“Sila ang susi sa tagumpay namin. Kung saan man kami makapunta, kasama namin sila.

“Kahit ano pa man ang mangyari basta masaya kami kasi tagumpay naming lahat ito,” pahayag ni Stell.

Kamakailan naman, napa-throwback ang SB19 members na sina Josh at Stell sa kanilang fanboy moments nang ma-meet up close and personal ang isa phenomenal ding K-Pop group na BTS.

Nangyari raw ito sa isang dance competition noon sa South Korea. Kuwento nina Josh at Stell sumali raw sila sa nasabing contest at sakto namang special guest daw sa event ang BTS.

“Dance competition together with Stell po sa old group po namin. Nakakuwentuhan at nakasama po namin sila,” pagbabalik-tanaw ni Josh.

“Nakapagpa-picture pa po,” sey naman ni Stell.

At tingnan mo nga naman ang takbo ng tadhana, ang iniidolo nilang grupo ay makakalaban na nila ngayon sa Top Social Artist category ng Billboard Music Awards 2021.

Abangers na rin ngayon ang fans ng SB19 sa upcoming single ng grupo na iri-release na sa May 16, kasunod ng matagumpay nilang single na “What?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“#SB19Saan” ang caption ng teaser ng bagong kanta ng grupo na may litrato ng world map.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending