Paolo Contis nagulat nang biglang i-bash ng fans ni Kathryn Bernardo: It was taken out of context | Bandera

Paolo Contis nagulat nang biglang i-bash ng fans ni Kathryn Bernardo: It was taken out of context

Therese Arceo |January 28,2023
facebook
share this

Paolo Contis nagulat nang biglang i-bash ng fans ni Kathryn Bernardo: It was taken out of context

Therese Arceo - January 28, 2023 - 05:39 PM

Paolo Contis nagulat nang biglang i-bash ng fans ni Kathryn Bernardo: It was taken out of context

HINDI inaasahan ni Paolo Contis ang natatanggap na pambabatikos sa kanya sa social media lalo na ng mga taga-suporta ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.

Natanong kasi ang Kapuso actor kung ano ang kanyang reaksyon matapos biglang mag-viral ang isang video clip na kuha sa kanyang online show na “Just In” kung saan ang kanyang guest ay si Alden Richards.

Sagot ni Paolo, “Medyo nagulat ako kasi. it was taken out of context. Obviously, ‘yung nag-post, para sa akin to be honest, naghahanap siya ng issue.

“And to be honest, kung ako naman din ‘yung fan ni Kathryn at ‘yung part na ‘yun lang maikling part ang napanood ko, kasi doon lang naman siya sinabi, doon ‘GMA ang artista, fact lang yun’. So kung ako naman ‘yung fan ni Kathryn, mao-offend rin ako.”

Matatandaang kamakailan ay may isang netizen na nag-upload sa Twitter ng isang maikling video clip na hindi binuo ang konteksto na agad naging sanhi para kainisan si Paolo lalo na ng mga fans ni Kathryn.

Pinuri kasi ng Kapuso actor si Alden dahil bumida ito sa “Hello Love Goodbye” kasama si Kathryn Bernardo na siyang itinanghal na highest grossing Filipino movie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

Ngunit sa naturang video ay tila hindi nabigyan ng credit si Kathryn at nagtunog na si Alden lang ang dahilan kung bakit tinangkilik ng madla ang pelikula.

“Sana lang kapag nakakakita sila ng ganoon, they could watch the whole interview because pinag-usapan namin ni Alden ‘yun. Sobrang thankful so Alden sa ginawa ng Star Cinema para sa kanya. He was very thankful to Kathryn,” lahad ni Paolo.

“So I believe… nadala na naman tayo ng clickbait and sadly people got mad at me and Alden,” dagdag pa niya.

Nagbigay naman ng mensahe si Paolo kay Kathryn at sinabing nirerespeto niya ito.

“I respect you as an actress. I know you’re one of the biggest actors of ABS-CBN. Sana mapanood mo ‘yung buong interview para ikaw mismo nakita mo na nabigyang respeto ka namin doon sa interview,” sey ng Kapuso actor.

Related Chika:
Paolo Contis ‘bugbog sarado’ sa social media, fans ni Kathryn Bernardo gigil na gigil

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kathryn, Daniel ibinandera ang isang dekadang relasyon, aamin na ba kung anong sikreto?

Knows n’yo ba kung magkano ang unang sweldo ni Alden Richards sa GMA?

Kathryn may nadiskubre kay Daniel makalipas ang 11 years bilang magka-loveteam: Mas perfect pa siya sa akin…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending