Paolo Contis 'bugbog sarado' sa social media, fans ni Kathryn Bernardo gigil na gigil Bandera

Paolo Contis ‘bugbog sarado’ sa social media, fans ni Kathryn Bernardo gigil na gigil

Therese Arceo |January 27,2023
share this

Paolo Contis ‘bugbog sarado’ sa social media, fans ni Kathryn Bernardo gigil na gigil

Therese Arceo - January 27, 2023 - 01:47 PM

Paolo Contis 'bugbog sarado' sa social media, fans ni Kathryn Bernardo gigil na gigil
KUYOG na kuyog ng mga netizens lalo na ng mga taga-suporta ni Kathryn Bernardo ang Kapuso actor na si Paolo Contis.

Ito ay dahil sa kanyang naging pahayag sa isang episode ng “Just In”, isang show ng Sparkle sa Facebook at YouTube kung saan kasama niya si Alden Richards.

“Yung number one movie ng Star Cinema at ABS-CBN, taga-GMA ang artista!” saad ni Paolo Contis.

Ang sinasabi niyang movie ay ang “Hello Love Goodbye” na pinagbibidahan ni Kathryn Bernardo at Alden Richards na kasalukuyang highest-grossing Philippine film of all time.

Isang Twitter user na si @WanderBeks ang nag-tweet ng video ng aktor habang sinasabi niya ang kanyang opinyon.

“Hoy Paolo Contis spitting FACTS ONLY!!” parte ng caption ng netizen.

Agad namang nag-react ang mga fans ni Kathryn na tila nasaktan sa patutsada ng actor-comedian sa kanilang iniidolo.

Naniniwala kasi sila na mas malaki ang naging kontribusyon ni Kathryn kung bakit ito humakot ng takilya at hindi lang dahil kay Alden kung bakit umabot ng P889.2 million ang kinita nito kaya na-trigger sila sa pahayag ni Paolo.

“Haha as if naman ganyan kataas ang gross ng movie without Kathryn. Both of them are no doubt great in acting, pero Kathryn Bernando brought the majority of the audience. KathNiel has the largest fanbase in the Philippine Showbiz Industry. That’s a fact,” saad ng isang netizen.

Comment pa ng isa, “I will not accept any Kathryn slander. Let’s all be honest here, the movie could exist even without Alden. Many can play Ethan but only Kathryn Bernardo can pull off Joy Marie Fabregas. STOP DISRESPECTING HER!!!!!!”

Ngunit trimmed na ang kumalat na video clip sa Twitter kaya naman hindi na nila narinig ang acknowledgement ni Paolo kay Kathryn.

“Yung number one movie ng Star Cinema at ABS-CBN, taga-GMA ang artista… hindi, fact! Ofcourse you have Kathryn who’s the biggest star of ABS-CBN,” ito ang buong pahayag ni Paolo bago niya tanungin ano ang pakiramdam ni Alden patungkol dito.

Well kahit naman na puntiryahin siya ng bashers ay mukhang wapakels lang si Paolo dahil hindi na rin naman bago sa kanya ito lalo na’t isa siya sa mga kontrobersyal na artista sa Pilipinas.

Sabi nga niya sa kanilang pag-uusap ni Alden, “The more you bash, the more you earn! Totoo! Akala niyo naman, meron nagagawa sa amin [ang bashing]? Hindi, totoo! Akala niyo ba may nagagawa sa amin ang pang-aalipusta niyo?

“Bina-bash niyo kami, kakain kami. Merong isang nagsabi sa akin, e, ‘Paano ka nakakatulog sa gabi sa kahayupan mo?’ Ay, maganda kasi ang kumot ko, unan ko. Malamang ikaw, sa papag ka natutulog. Ganoon lang kasimple yun,” sey ni Paolo.

Related Chika:
Kathryn may nadiskubre kay Daniel makalipas ang 11 years bilang magka-loveteam: Mas perfect pa siya sa akin…

Paolo Contis natanggap na ang request na adobo: Thank you babikwoooh!

Baron Geisler minura ni Paolo Contis: ‘Pati t-shirt ko di kinaya yung acting mo!!!’

Lolit Solis super saya sa pagdalaw ni Paolo Contis: Talagang mukha siyang happy at contented!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending