Lolit Solis super saya sa pagdalaw ni Paolo Contis: Talagang mukha siyang happy at contented! Bandera

Lolit Solis super saya sa pagdalaw ni Paolo Contis: Talagang mukha siyang happy at contented!

Therese Arceo |December 02,2022
share this

Lolit Solis super saya sa pagdalaw ni Paolo Contis: Talagang mukha siyang happy at contented!

Therese Arceo - December 02, 2022 - 09:57 PM

Lolit Solis super saya sa pagdalaw ni Paolo Contis: Talagang mukha siyang happy at contented!
BUMISITA ang Kapuso actor na si Paolo Contis sa kanyang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis sa ospital habang nagpapa-dialysis siya.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang larawan nila ng kanyang alaga na kuha sa kanyang hospital room.

“Naku Salve ha, nagulo na naman ang dialysis session ko. Kasi nga pag dinadalaw ako ng mga alaga ko, pa picture lahat sa room, kalokah!” pagbabahgi ni Manay Lolit.

Aniya, infairness naman daw at lahat ng alaga niya gaya ni Paolo ay very friendly kaya ok lang sa mga ito ang magpa-picture taking at pagkaguluhan ito ng kanilang mga fans.

Hanga rin daw si Manay Lolit sa physique ngayon ni Paolo dahil fit na fit ang aktor.

“Mukhang very stable siya ngayon. Talagang mukha siyang happy at contented, kaya sinuman ang love niya ngayon good influence sa kanya,” sey ng kolumnista.

Dagdag pa niya, “At palagay ko ito ang inspiration na matagal ng hinihintay ni Paolo Contis. Clue Salve at Gorgy, ibigay na natin, ang lucky girl, si Yen Santos. Bongga!”

Amin rin ni Manay Lolit, ayaw raw talaga niya na dinadalaw siya ng knyant mga alaga sa ospital ngunit sa kabila nito ay kinikilig at nata-touch siya aa tuwing pumupunta ang mga ito.

“Actually , parang gusto ko maiyak pag nakikita ko sila sa room ko sa dialysis treatment. Alam ko na puno din sked nila pero isinisingit parin nila ang pagdalaw sa akin,” lahad pa ng talent manager.

Ang pinakatumatak nga raw sa kanya ay ang pagdalaw ng ang pagdalaw ng actress-model na si Rhian Ramos.

“Hindi ko alaga si Rhian Ramos pero nagtagal siya sa kuwarto ko para aliwin ako at bigyan ng emotional support,” sabi pa ni Manay Lolit.

Hindi rin daw siya nagkamali na maging alaga at ipaglaban sila Lorna Tolentino, Sandy Andolong, Lani Mercado , Alfred Vargas, Tonton Gutierrez at Bong Revilla.

Banat pa ni Manay Lolit, “Nagbunga din ang pagmamahal ko kay Tirso Cruz III dahil nanduon na para ipagdasal ako ni Lyn Cruz may inabot pang red enve.At kahit subsob sa trabaho at sked si Bong Revilla nahanapan niya ako ng oras para dalawin.

“Nag enjoy ako sa mga kalukohan ni Paolo Contis na introduced ako kay Yen Santos as friend, heh heh, pero may I Love You, kalokah.”

Kaya naman confident siya na kakayanin niya ang kanyang gamutan dahil alam niyang palaging present ang kanyang mga alaga at hindi siya nito pababayaan.

Related Chika:
Lolit Solis sa ‘relasyon’ nina Paolo at Yen: Basta walang nasaktan at natapakan, go go be happy!

Lolit Solis may pa-blind item, alagang si Paolo Contis sinasayang raw ng isang TV network?

Hiwalayang Paolo-LJ kinumpirma na ni Lolit Solis; kasalanan nga ba ni Yen Santos?

Yen Santos sinusulsulan ba si Paolo na huwag kausapin si Lolit Solis?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending