Yen Santos sinusulsulan ba si Paolo na huwag kausapin si Lolit Solis? Bandera

Yen Santos sinusulsulan ba si Paolo na huwag kausapin si Lolit Solis?

Therese Arceo |December 01,2021
share this

Yen Santos sinusulsulan ba si Paolo na huwag kausapin si Lolit Solis?

Therese Arceo - December 01, 2021 - 05:46 PM

Yen Santos sinusulsulan ba si Paolo na huwag kausapin si Lolit Solis?

SI Yen Santos nga ba ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin kinakausap ng Kapuso actor na si Paolo Contis ang kanyang talent manager na si Lolit Solis?

Sa latest episode ng “Take It Per Minute, Me Ganu’n” ay napag-usapan nina Lolit Solis, Cristy Fermin, at Mr. Fu si Paolo Contis.

Dito ay natanong ni Mr. Fu si Manay Lolit kung okay na ba sila ng alaga.

“So ano? Okay na kayo ni Paolo Contis? Wala pa din?”

Sagot ni Manay Lolit, “Wa, day!”

“Palagay ko si Paolo Contis ang isang talent na balak patayin ang manager.”

Nagtawanan naman ang tatlo matapos ang sagot ni Manay Lolit.

Hinamon naman siya nina Mr. Fu na tawagan si Paolo habang on-air sila.

“Dapat pinatawagan natin kay Gorgy. Si Gorgy lang ang sinasagot niya no,” sey naman ni Manay Lolit.

“Sabi raw ni Paolo kay Gorgy, tigilan na natin siyang dalawa (Cristy Fermin). Wala daw tayong ginawa kundi siya ang pag-usapan every Tuesday,” dagdag pa ni Manay Lolit.

Kahit na ganu’n ay pinuri pa rin nina Cristy at Lolit ang husay ng aktor.

“Si Paolo naman talaga ay isang mahusay na aktor. Ang isa talagang napansin kong quality ni Paolo, minsan kahit may problema, hindi unprofessional.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)

Dagdag naman ni Cristy Fermin, “Isa sa pinakamagandang pelikulang Pilipino na napanood ko, ‘yung kanila ni Yen Santos. Sa totoo lang.”

Matapos ng pahayag ni ‘Nay Cristy ay muling nagsalita si Manay Lolit.

“Nako I’m sure Paolo! Ang nagsusumbong naman sa ‘yo si Yen. Lagot sa akin ‘yang Yen na yan!” nakangiting saad ni Manay Lolit.

Tanong naman ni Mr. Fu kay Manay Lolit, “So ibig sabihin, ang sinasabi mo, chinuchuchu ni Yen ikaw kay Paolo?” na sinang-ayunanan naman niya.

Umarte pa si Cristy Fermin bilang si Paolo at si Manay Lolit naman si Yen at ipinakita kung paano nagsusumbong si Yen kay Paolo.

“Paolo, bakit ganyan ‘yung manager mo sinisiraan ka. Ang sama ng ugali. Huhuhuhu” sey ni Manay Lolit.

Saad naman ni ‘Nay Cristy, “Ah ganu’n ba? Ipapakita ko sa ‘yo kung gaano kita kamahal.”

Umarte pa ito na may tinawagan sa telepono at sinabing, “Tito Gorgy, sabihan mo nga si Nanay Lolit, tantanan na ako. Si Salve kahit anong sabihin sa kanya, sinusunod naman.

“Tantanan na nila ako, wag nilang sinisiraan ang babaeng mahal ko.”

Pagkatapos ay nagtawanan ang tatlo.

Related Chika:
Habangbuhay dadalhin ni Paolo kung anuman ang kasalanang nagawa niya — Lolit Solis

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending