Lolit Solis sa 'relasyon' nina Paolo at Yen: Basta walang nasaktan at natapakan, go go be happy! | Bandera

Lolit Solis sa ‘relasyon’ nina Paolo at Yen: Basta walang nasaktan at natapakan, go go be happy!

Therese Arceo |November 23,2022
facebook
share this

Lolit Solis sa ‘relasyon’ nina Paolo at Yen: Basta walang nasaktan at natapakan, go go be happy!

Therese Arceo - November 23, 2022 - 03:21 PM

Lolit Solis sa 'relasyon' nina Paolo at Yen: Basta walang nasaktan at natapakan, go go be happy!
MUKHANG suportado ng talent manager at kolumnistang si Lolit Solis ang diumano’y “relasyon” ng alaga niyang si Paolo Contis sa aktres na si Yen Santos.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng kolumnista ang larawan ni Yen habang hawak ang kanyang Gawad Urian award bilang “Best Actress” para sa kanyang pagganap sa pelikulang “A Faraway Land”.

Saad ni Manay Lolit, “Parang isang pag amin na ginawa ni Yen Santos ng manalo siya ng award, Salve. Talagang sinabi niya na fan siya ni Paolo Contis at isa itong mahusay na artista.”

Chika pa ng kolumnista, wala naman daw masama kung magkaroon nga ng relasyon ang dalawa lalo na raw kung good influence naman sila to each other.

“Walang masama kung may relasyon sila dahil pareho silang walang commitment. Mukha naman good influence sila dahil pareho maganda ang dating nila. Kung sakali na silang dalawa na nga I will be very happy Salve at Gorgy,” sey ni Manay Lolit.

Pagpapatuloy pa niya, “Matagal narin naman walang lovelife si Paolo at sabi ko nga kalmante ang dating niya ngayon kaya baka good influence si Yen sa kanya.”

Hirit pa nga ni Manay Lolit, “Life is short, make the most out of it. Kung saan ka happy, doon ka, don’t let anything stop you to have that happiness. Basta walang nasaktan at natapakan, go go be happy.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)

Matatandaang sa naturang acceptance speech ni Yen ay nagpasalamat siya sa lahat ng mga nakasama sa production, sa director, at lalo na sa kanyang leading man na si Paolo.

“And of course, to my leading man Paolo Contis — sobrang talented, napakagaling na artista. Maraming-maraming salamat sa iyo.

“Ahhm, I’ll always be your number one fan,” mensahe ng aktres sa alaga ni Manay Lolit.

Samantala, wala namang direktang pag-amin mula kina Yen at Paolo ngunit tila lantaran na nga ang dalawa kaysa noon dahil proud na ibinandera ng aktor ang larawan ng kanilang date ng aktres sa kanyang Instagram account.

Related Chika:
Paolo Contis napikon nang mausisa ang pagpapadala ni Yen ng kaldereta: Bash sila nang bash!

Yen Santos sinusulsulan ba si Paolo na huwag kausapin si Lolit Solis?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lolit Solis may pa-blind item, alagang si Paolo Contis sinasayang raw ng isang TV network?

Hiwalayang Paolo-LJ kinumpirma na ni Lolit Solis; kasalanan nga ba ni Yen Santos?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending