Paolo Contis napikon nang mausisa ang pagpapadala ni Yen ng kaldereta: Bash sila nang bash! | Bandera

Paolo Contis napikon nang mausisa ang pagpapadala ni Yen ng kaldereta: Bash sila nang bash!

Therese Arceo |June 18,2022
facebook
share this

Paolo Contis napikon nang mausisa ang pagpapadala ni Yen ng kaldereta: Bash sila nang bash!

Therese Arceo - June 18, 2022 - 09:58 AM

 

Paolo Contis napikon nang mausisa ang pagpapadala ni Yen ng kaldereta: Bash sila ng

HINDI nagustuhan ng Kapuso actor na si Paolo Contis ang muling pag-trending nila ni Yen Santos kamakailan.

Naging usap-usapan kasing muli ang dalawa dahil nagpasalamat ang aktor sa ipinadalang kaldereta ng kanyang naging leading lady sa “A Faraway Land”.

Nagulat raw si Paolo nang marami sa mga entertainment sites at social media pages ang pumik-ap sa kanyang Facebook post dahil nga naka-private ang kanyang account.

Pakiramdam ng aktor ay tila natraydoe siya dahil iilan lang ang kanyang friends sa naturang account at marahil isa daw sa mga ito ang naglabas ng kanyang post nang pasalamatan si Yen.

“Masyado nang pakikialam sa buhay ng may buhay,” saad ni Paolo sa pep.ph.

Dagdag pa niya,”Bakit hindi nila problemahin ang pagtaas ng gas at mga bilihin? Huwag kami.”

May himutok rin si Paolo sa mga netizens na panay ang pamba-bash sa kanila ni Yen dahil wala naman silang ginagawang masama at naging mabait lang naman ang aktres sa pagpapadala ng pagkain sa kanya.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)

 

“Bash sila nang bash, busog naman ako!” sey pa ng aktor.

Sa kabila ng gigil ay inamin naman niya na talaga namang masarap magluto si Yen at napaparami daw siya ng kain kapag ang aktres ang nagluto ng ulam.

Pagbabahagi naman ni Paolo, hindi pa raw dumarating ang next request niyang adobo sa comment niya matapos magpasalamat kay Yen.

Naging malapit ang dalawa nang pagbidahan nila ang pelikulang “A Faraway Land” na kinunan sa Faroe Islands noong nagdaang taon.

Ilang araw matapos lumabas ang pelikula ay kasabay ng pagputok ng balitang hiwalay na si Paolo at ang dating partner nitong si LJ Reyes.

Nadawit naman ang pangalan ni Yen bilang diumano’y rason ng paghihiwalay ng dalawa nang makita silang magkasama sa Baguio.

May mga videos rin kung saan makikitang sabay silang naglalakad at mga pictires rin na magkasama silang kumain.

Agad naman itong pinabulaanan ni Paolo at sinabing magkaibigan lang sila ni Yen. Nagmagandang loob lamang daw ito para makinig sa kanyang mga problema noong mga panahong iyon.

Related Chika:
Paolo, Yen patuloy na binabatikos ng netizens; pati past statements binabalikan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paolo Contis, Yen Santos gumora sa Bora…as a friend pa rin ba o magdyowa na?

Paolo Contis sinagot ang tanong ng mga ‘Marites’ kung totoong buntis si Yen Santos

Paolo Contis nagpasalamat sa ‘pa-kaldereta as a friend’ ni Yen Santos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending