Paolo Contis sinagot ang tanong ng mga 'Marites' kung totoong buntis si Yen Santos | Bandera

Paolo Contis sinagot ang tanong ng mga ‘Marites’ kung totoong buntis si Yen Santos

Ervin Santiago |January 03,2022
facebook
share this

Paolo Contis sinagot ang tanong ng mga ‘Marites’ kung totoong buntis si Yen Santos

Ervin Santiago - January 03, 2022 - 08:01 AM

Yen Santos at Paolo Contis

TANONG ng mga “Marites” all over the universe — buntis nga ba ang rumored girlfriend ni Paolo Contis na si Yen Santos?

Nagsimula ang mga haka-haka at tsismis na nagdadalang-tao umano ang aktres nang kumalat ang mga litrato nila ni Paolo habang nasa airport at naghihintay ng flight patungo sa Boracay.

Sa nasabing litrato, napansin ng mga netizens na parang lumaki raw ang tiyan ni Yen kaya ang feeling nila baka raw pregnant na ang aktres.

Pero ayon sa vlogger at talent manager na si Ogie Diaz, may magandang paliwanag daw si Paolo kung bakit nagmukhang buntis si Yen sa kanilang mga litrato.

Sa isang YouTube video ni Ogie, nabanggit nga nito na hindi raw totoo ang kumakalat na tsismis tungkol sa aktres. 

Sinabi raw sa kanya ng Kapuso actor na nagmukha lang malaki ang tiyan ni Yen dahil sa hangin.

“May tanong na naman sila, nay. Buntis daw ba si Yen Santos kasi parang ang taba niya ngayon, tsaka, nay yung oversized niya na suot. Parang may laman yung tiyan,” tanong ng co-host ni Ogie sa vlog na si Mama Loi.

“‘Yung tungkol doon sa kung buntis ba si Yen Santos, as per Paolo, hindi buntis si Yen Santos,” pagdedenay ni Ogie sa sapantaha ng mga netizens.

Dagdag pa niya, “Ang payat nga raw ni Yen Santos. Ang nakunan daw ay ‘yung paglipad nung damit ni Yen Santos kaya nagmukha siyang mataba kasi ang hangin that time.”

Nagbigay naman ng paalala ang talent manager sa mga netizens at sinabing hintayin na lang ang tamang panahon kung kailan magsasalita sina Paolo at Yen tungkol sa mga isyung kinasasangkutan nila.

“Hintayin natin silang dalawa. Hindi para pangunahan natin sila at umepal-epal tayo dito,” sey ni Ogie. 

View this post on Instagram

A post shared by LILIEYEN SANTOS 🇵🇭 fanpage! (@yensantos_ph)


Kung matatandaan, unang nabalita ang tungkol sa rumored romance sa pagitan nina Paolo at Yen nang makunan sila ng ilang netizens habang kumakain sa Baguio bukod pa sa ilang litrato nila habang nasa Pangasinan. 

Dahil dito si Yen ang sinisi ng mga netizens sa kontrobersyal na paghihiwalay nina Paolo at LJ Reyes. Pero dinenay ng aktor na si Yen ang third party sa break-up nila ni LJ. 

“She was never the reason of our breakup. I was. Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me. Masyado niyo siyang diniin sa issue na ‘to. Pati pag promote namin ng movie nabahiran na ng kung anu-ano.

“When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for three days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag isip-isip. 

“Naging insensitive ako about the possible effects nung issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this,” paliwanag ni Paolo.

Paolo Contis, Yen Santos gumora sa Bora…as a friend pa rin ba o magdyowa na?

Paolo, Yen patuloy na binabatikos ng netizens; pati past statements binabalikan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending