Paolo: Hindi ako naniniwala na ang mag-ex dapat maging magkaibigan
DIRETSAHAN ang naging sagot ng Kapuso actor at TV host na si Paolo Contis sa tanong kung dapat bang maging magkaibigan pa rin ang mga dating magdyowa.
Naniniwala si Paolo na kapag naghiwalay na ang magkarelasyon, yun na yun at hindi na dapat pang magkaroon ng espesyal na pakikitungo sa isa’t isa.
Sa panayam ng online show na “Your Honor” hosted by Tuesday Vargas at Buboy Villar para sa una nilang “session” for 2025, isa nga sa natanong kay Paolo ay kung puwede nga bang maging friends ang dating magkarelasyon?
Kung hindi kami nagkakamali, ang huling naging girlfriend ni Paolo ay ang aktres na si Yen Santos. Nakarelasyon din niya sina EB Babe Lian Paz at LJ Reyes.
Baka Bet Mo: Paolo Contis binabagyo ng blessings habang tinitira ng mga bashers
Meron siyang dalawang anak kay Lian, sina Xalene at Xonia habang nabiyayaan naman sila ni LJ ng isang daughter, si Summer Ayana.
Simulang anong ni Tuesday kay Paolo, “Are you friends with your exes?”
“Civil” ang sagot ni Paolo. Dugtong niya, “It’s a different story saying their friends and civil it’s different. And we have reasons to be, ‘di ba?
View this post on Instagram
“So ako, hindi ako naniniwala na ang mga mag-ex dapat maging kaibigan. Unless, you actually have reasons to be,” esplika pa ni Pao.
Sundot na tanong ni Tuesday, “Bakit hindi ka naniniwala puwede pa kayo maging magkaibigan?”
Sagot ng aktor, “E, naghiwalay na kayo, e. I think it’s your respect to your partner, especially ‘yung partner mo. I mean nakakailang ‘yun para sa partner mo.
“So, ‘yung hindi kayo nagaaway okay ‘yun. Yung civil kayo, like when you see each other, ‘Uy! Hey! How are you? Blah blah,’” sey pa ng Kapuso star.
“Pero friends? Like kumustahan ganiyan you had your time na magkumustuhan, bakit ngayon magkukumustahan kayo,” aniya pa.
Sey uli ni Tuesday, “Parang ang hirap i-detach nung emotion ‘yung dating kayo sa current na kayo.”
Sagot naman ni Paolo sa kanya, “Especially kung may partner ka nakakahiya. And I believe, ako, hindi mo rin gusto ‘yun, kung ‘yung partner mo ganu’n.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.