Paolo Contis binabagyo ng blessings habang tinitira ng mga bashers
MUKHANG hindi naman apektado ang showbiz career ni Paolo Contis kahit na sunud-sunod ang kinasangkutan niyang kontrobersya ngayong taon.
In fairness, sa kabila ng malilisyosong isyung ibinabato sa kanya ay patuloy pa rin ang mga blessings na dumarating sa kanya — as in hindi siya nawawalan ng projects.
Sabi nga ni Pao, kahit daw hindi pang-matinee idol ang image niya ay marami pa ring producer ang nagtitiwala sa kanya, mapa-telebisyon man o pelikula.
Tulad na lang ng bago niyang pelikula mula sa Viva Films, ang “Ikaw at Ako” kung saan makakatambal niya ang kapwa Kapuso star na si Rhian Ramos. Showing na ito sa mga sinehan simula sa December 6.
Sabi ni Paolo sa naganap na presscon ng “Ikaw at Ako”, hindi naman talaga siya yung tipikal na leading man na pangbida at pang-heartthrob kaya naman super thankful siya na nabibigyan pa rin siya ng magagandang projects.
“Siguro because of what we’ve accomplished sa ‘Through Night and Day’ (2018) at yung ‘A Far Away Land’ (2021). Nagkaroon ng kaunting opening na, ‘Uy, pwede palang maging leading man ang mukhang gago, ‘no?’
Baka Bet Mo: Cristy Fermin never pinersonal si Paolo Contis, walang galit kay Lolit Solis: ‘Bahagi ka lagi ng mga panalangin ko’
“Kasi, I’m not your typical pa-cute na leading man, na may kailangang i-maintain na magandang imahe. ‘Kailangan natin ng masamang leading man. Paolo.’
“You will never see me, at least, sa mga totoong romcom na talagang pa-cutie-cutie. ‘Yun talaga, alam ko na hindi ako talaga kukunin,” ang chika pa ni Paolo.
“So, I’m very thankful na more or less ‘yung stories natin sa Philippine cinema ay mas malawak na, mas open na ang mga tao na ‘di kailangan magka-love team para makagawa kayo ng pelikula together.
View this post on Instagram
“All the film that I’m doing now iba-iba naman talaga ‘yung partner. Ganoon din naman ‘yung ibang mga pelikula. Dahil dito, nagkaroon kami ng opening, not just me, ‘di ba?
Baka Bet Mo: Lolit Solis sa hindi pagsusustento ni Paolo Contis sa mga anak: Maaga pa, puwede pang bumawi
“Sina Jerald Napoles, Pepe Herrera. Now naging oras namin siya na, uy, minsan okay din pala maging leading man ‘yung hindi masyadong ano (gwapo) basta okay ang pag-arte.
“It’s chemistry, kumbaga. Madali kaming maano sa chemistry kasi, you know, we do our best para magkaroon ng chemistry. So, I think, suwerte ako roon,” paliwanag pa ng dyowa ni Yen Santos.
Tatlong klase ng pag-ibig ang tampok sa
pelikula mula sa magkakaibang henerasyon. Pare-parehas na nangangako ng pagmamahal na wagas, pangakong habambuhay.
Kasama nina Paolo at Rhian sina Ronaldo Valdez at Boots Anson-Roa para sa isang pelikula na ipakikita kung ano nga ba ang ibig sabihin ng pag-ibig para sa bawat isa, at ano ang mga kailangan mong pagdaanan para rito.
Kasama rin sa pelikula ang young at promising talents na sina Fatima Mislang at James Ezekiel Ignacio. Produced by Viva Films, ang “Ikaw at Ako” ay mula sa direksiyon ni Rechie Del Carmen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.