Cristy Fermin never pinersonal si Paolo Contis, walang galit kay Lolit Solis: 'Bahagi ka lagi ng mga panalangin ko' | Bandera

Cristy Fermin never pinersonal si Paolo Contis, walang galit kay Lolit Solis: ‘Bahagi ka lagi ng mga panalangin ko’

Reggee Bonoan |June 15,2023
facebook
share this

Cristy Fermin never pinersonal si Paolo Contis, walang galit kay Lolit Solis: ‘Bahagi ka lagi ng mga panalangin ko’

Reggee Bonoan - June 15, 2023 - 05:19 PM

NITONG mga huling araw ay laman ng programang “Cristy Ferminute” sa Radyo 5 92.3 TRUE FM ang talakayan nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika ang tungkol kay Paolo Contis.

Gayun din sa “Showbiz Now Na” vlog na naka-upload sa YouTube channel ay isa rin si Paolo na topic nina ‘Nay Cristy, Wendell Alvarez at Romel Chika ng ipakilala ang aktor bilang isa sa host ng “Eat Bulaga” sa GMA 7.

Binabasa ng mga host ang komento ng mga netizen tungkol kay Paolo na binibigyan naman ng opinyon ng bawa’t host lalo na si Nanay Cristy.

At dahil sa opinyon na ito ng batikang manunulat ay nag-react ang manager ng TV host-actor na si Manay Lolit Solis na idinaan niya sa kanyang Instagram account.

Bahagi ng post ni Manay Lolit, kagabi, “Nagtataka ako bakit lately parang halos araw-araw pinipitik ni Cristy si Paolo? May nagawa kayang mali si Paolo? Nasaktan ba niya si Cristy?

“O, baka naging punching bag lang siya dahil may ibang gustong patamaan si Cristy, o baka naman may naninira kay Paolo kaya naging ganuon ang image nito kay Cristy. Sana naman nga constructive lang ang pitik ni Cristy kay Paolo. Sad ako dahil feeling ko baka sa akin galit si Cristy at nadamay lang si Paolo,” sabi ng talent manager.

Sadyang inabangan pala ito ng CFMers dahil alam nilang sasagutin ito ni Nanay Cristy.

Simula nito, “Alam n’yo po mga kapatid ayaw na ayaw ko ang ganito na ang mga kahanay ko ay kailangan kong sagutin ng tapatan. Mula po ng nawala ako no’ng isang taon sa Take It Per Minute may gano’n pagkatapos kong maglabas ng saloobin ko tapos na po sa akin ‘yun wala nap o kayong narinig na anuman mula sa akin.

Baka Bet Mo: Habangbuhay dadalhin ni Paolo kung anuman ang kasalanang nagawa niya — Lolit Solis

“’Yun pong galit na sinasabi ni Manay Lolit na baka may galit ako sa kanya na ibinabato ko kay Paolo Contis ang sama ng loob ko sa kanya, hindi po totoo ‘yun.  Tapos na po ako sa tampo ko sa kanila ni Mr. Fu nu’ng nakaraang taon pa.

“Ang nagpahinuod po sa akin nu’ng iwan nila ako sa gitna ng laban (ay) panahon, nagkaroon po ng matagumpay na Showbiz Now Na, meron pang Cristy Ferminute ano pa bang regalo ang kailangan nating matanggap mula sa langit, di ba naman?

“Okay ako po ay magpapaliwanag dahil ang titulo ng kanyang (manay Lolit) IG ay pinepersonal ko ba si Paolo Contis?  Kayo po ang saksi hindi po ako lumabas at lumabis sa parametro ng isyu na ibinabato kay Paolo.

“’Yung isyu tungkol sa mga anak niya kay Lian Paz, ‘yung anak niya kay LJ Reyes na si Summer na alam naman po natin at inamin niya (Paolo) na hindi niya sinusustentuhan. Hindi na nga sinusustentuhan, hindi man lang dinadalaw. ‘Yun po ang parameter na tinatawag natin.

“Hindi ko po pinersonal si Paolo Contis, narinig n’yo bang sinabi kong ‘ang laki-laki ng bilbil nitong si Paolo, wala namang karapatang maging host ito, tingnan n’yo naman ang itsura may edad na magganyan-ganyan pa siya.’ Pinersonal ko po ba? Wala po akong ganu’n na sinabi, ‘yung pagpuna ko po kay Paolo Contis ay sa linya lang pong barometro ng trabaho.”

Isa sa pinuna ni Nanay Cristy kay Paolo ay nang mabuking na binabasa pala niya sa teleprompter ang saloobin niya tungkol sa nararamdaman nila bilang bagong hosts ng EB na naiwan sa GMA 7. Inakala raw kasi na galing ito sa puso ng aktor.

Kaya ang sunod na paliwanag ni ‘Nay Cristy ay kung ano ang salitang propesyonal at personal. Diretso niyang binanggit ang pangalan ni Manay Lolit dahil patungkol ito sa kanya kung ano ang personal at propesyonal.

“Kabsat (Manay Lolit) ang pamemersonal sa isang personalidad ay tulad ng ginawa mo noon kay Bea Alonzo.

“Ano ang madalas mong sulatin, i-post at sabihin sa ere? May pelegis na si Bea Alonzo, laylay na ang mga balat sa katawan, hindi na fresh ang kanyang kagandahan at hindi na siya bagay itambal kay Alden Richards dahil matanda na siya. Ganu’n ang personal na paninira sa personalidad.

“Never kong ginawa ‘yan, pero ikaw ang namersonal noon kay Bea na ikinasakit ng loob ng dalaga, ng kanyang pamilya, ng kanyang manager kaya nga nagsalita na si Shirley Quan, di ba? At ng kanyang mga tagahanga (Bea), ‘yun ‘yung eksaktong ehemplo ng pamemersonal ng alaga,” paliwanag ni Nay Cristy.

Dagdag pa, “Wala akong galit sa iyo. Mula’t mula alam mo ‘yan!  Binalikan ko nga ang mga text mo sa akin last year, July, August at September. Ako’y nalulungkot nang balikan ko ito kanina.

“Ang sabi mo, ‘kabsat kagigising ko lang hindi ako makabangon, hilong-hilo ako.  Gusto kong magtrabaho pero parang wala akong gana ganito yata kasi dahil 75 (edad) na ako, pero tanggap ko na kung anuman ang mangyayari, buti ka pa malakas pa ang katawan mo.’

“Nu’ng sumunod na araw ang tinext mo, ‘di na ba tayo magkikita-kita pa ulit? Sana magkita-kita pa tayo.’ Kabsat pinahahalagahan ko ang mga ganito, kaya ‘yung galit sa puso, ano ang aking payo sa iyo?

“Kabsat huwag kang nagpapa-stress alisin mo lahat sa puso mo ang galit, ang pagsisisi kung kaninuman, ang paninira kung kaninuman, tanggalin mo! Kasi ang stress ang unang-unang pinagmumulan ng ating mga sakit Ano ang sabi ko sa ‘yo, nagpapa-dialysis ka na alisin mo na lahat ‘yan, tutukan mo na lang ang pagpapagamot mo.

“Sabi mo nga, ‘Oo nga kabsat, eh, naku ewan ko nga ba bakit ganito ako, basta.’

“Ito sasabihin ko sa iyo ngayon lang, hindi mo alam kabsat, ‘bahagi ka ng mga panalangin ko (pigil ang luha). Totoo ‘yan! Isa ka sa mga taong hinihingan ko ng mas mahaba pa ang buhay sa Diyos dahil alam ko na ang ating Panginoon ang may hawak ng ating buhay. Siya ang pinakamahusay na doktor dito sa lupa at may hawak ng pinakamabilis na gamot sa mundo na makakapagpapagaling sa ating sakit,” aniya pa.

Dito ay binanggit na ni ‘Nay Cristy na sa araw-araw na panalangin niya ay kabilang si Manay Lolit, “Bahagi ka ng mga panalangin ko, kaya ‘yung galit na sinasabi mo na meron ako at ibinubuwelta ko kay Paolo Contis maling-mali ka ro’n.”

Related Chika:

Lolit Solis sa hindi pagsusustento ni Paolo Contis sa mga anak: Maaga pa, puwede pang bumawi

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lolit Solis may pa-blind item, alagang si Paolo Contis sinasayang raw ng isang TV network?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending