Paolo Contis sa paghihiwalay nila ni LJ Reyes: 'Bakit ako magso-sorry sa tao? Wala naman silang kinalaman sa mga nangyari' | Bandera

Paolo Contis sa paghihiwalay nila ni LJ Reyes: ‘Bakit ako magso-sorry sa tao? Wala naman silang kinalaman sa mga nangyari’

Ervin Santiago |January 29,2023
facebook
share this

Paolo Contis sa paghihiwalay nila ni LJ Reyes: ‘Bakit ako magso-sorry sa tao? Wala naman silang kinalaman sa mga nangyari’

Ervin Santiago - January 29, 2023 - 08:01 AM

Paolo Contis sa paghihiwalay nila ni LJ Reyes: 'Bakit ako magso-sorry sa tao? Wala naman silang kinalaman sa mga nangyari'

Paolo Contis, LJ Reyes, Summer at Aki

HINDI pa rin diretsahang inamin ng Kapuso actor na si Paolo Contis ang tunay na estado ng relasyon nila ng kanyang rumored girlfriend na si Yen Santos.

Sa isang panayam, natanong si Paolo kung official na ang relationship nila ng aktres at kung si Yen nga ba ang ipinalit niya sa dating live-in partner na si LJ Reyes.

“Wala. Walang official na ano. Wala na akong ina-anong official. Alam mo, what you see is what you get, I think.

”I’m okay. Ang sa akin lang maraming mga bagay na para sa akin yung public should not care about. Yun lang ang sa akin,” pahayag ni Paolo sa nasabing interview.

In fairness, sa kabila ng matinding pambabatikos sa kanya ng mga netizens lalo na noong kasagsagan ng paghihiwalay nila ni LJ na sinabayan ng chika sa kanila ni Yen, nanatiling kalmado at chilax lamang si Paolo.

“Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat, two years ago was very rough in terms of ano… but honestly speaking, kung tatanungin n’yo ako kung naapektuhan ako sa mga tao… to be honest, hindi… hindi. They have nothing to do with my life.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)


“Yung mga kailangan kong harapin are very private and I will fix it privately.

“For some reason, feeling kasi ng mga tao kailangang pag i-post mo sa social media yon na yung complete truth.

“Kapag hindi mo i-post, hindi nangyayari, di ba? If you don’t post it, it never happened. Yon yung tingin ng mga tao ngayon so let them enjoy that,” pahayag ng Kapuso actor.

Dagdag pa niya, “Ano kasi siya, eh, mentally, kailangang alam mo kung sino yung mga taong nagma-matter. I did bad things, yes, alam ko yon. Pero hindi sa tao, hindi sa tao.

“Bakit ako magso-sorry sa tao? Hindi naman sila…wala naman silang kinalaman sa nangyari, di ba? Kung meron man akong kailangang hingan ng tawad, kung may kailangan man akong harapin, sila yung directly involved doon sa issues. And I will fix that privately.

“Hindi naman ako katulad ng iba na kailangan ko mag-picture nang umiiyak ako. Tapos ipo-post with caption na, ‘Crying.’

“Hindi ko tinitira o sinisisi yung ibang artista na mga ganu’n kasi kaya nila yon. Pero I just think we also have to control it, kung ano yung shini-share namin sa publiko,” sabi pa ng aktor.

Mensahe pa niya sa mga haters, “We are actors. If you want to bash me, bash my acting. Sige. Hanggang doon lang ako.

“Ang masasakit sa akin is when my mom talked to me. To be honest, when Nay Lolit (Solis)…kaya nga siya nasama sa apology ko, eh, sa totoo lang. Before, di ba?

“’Yun yung masakit sa akin, yung nasaktan ko yung mga taong mahal ko, my brother, even my sister-in-law. Yan yung mga naapektuhan sa mga nangyaring masama sa akin.

“Hindi ito normal. I mean, kung mahina kang tao, mahina ang loob mo, you will get very affected,” aniya pa.

Cristy Fermin ipinagtanggol si Paolo Contis; netizens mas nagalit

Lolit Solis hiniling na sana’y mapatawad ni LJ si Paolo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paolo kay LJ: Aaminin ko, naging marupok at g*g* ako…I’m very sorry for everything, sa lahat-lahat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending