Cristy Fermin ipinagtanggol si Paolo Contis; netizens mas nagalit Bandera

Cristy Fermin ipinagtanggol si Paolo Contis; netizens mas nagalit

Therese Arceo |September 04,2021
share this

Cristy Fermin ipinagtanggol si Paolo Contis; netizens mas nagalit

Therese Arceo September 04, 2021 - 03:29 PM

MATUNOG ang pangalan ni Paolo Contis matapos makumpirma ang kanilang hiwalayan ni LJ Reyes. Mas lalo pang umugong ang pangalan nito nang may kumalat na mga litratong may kasama itong ibang babae sa restaurant at video ng naglalakad sa kalye kasama ang parehong babae na nasa kumalat na litrato sa resto.

Saad niya, paniguradong may ibang nangyari kung bakit naghiwalay nang tuluyan ang dalawa.

“Wala akong masilip, eh. Wala akong makitang masama sa mata ni Paolo Contis ngayon eh. Atsaka para mapuno siya ng ganyan, Rommel. Matindi ang pinagdaanan na ito.

“Pinakamamahal mo si LJ, pinaglaban mo,. Tinanggap mo na meron na siyang anak sa ibang personalidad, tinanggap mo. Minahal mo si Aki. Kayong ni LJ ang nagpalaki sa bata. Mahal na mahal mo, parang tunay na anak mo. Bakit napuno ang salop? May dahilan na matindi diyan,” mahabang litanya ni Cristy.

Napag-usapan rin nila ang naging pahayag ni LJ kung saan ibang Paolo Contis ang nakilala niya noon sa Paolo na nakakasama niya ngayon.

“Nagbago talaga si Paolo Contis sa pagmamahal sa kanya (LJ Reyes), Laging may dalawang panig ang isang isyu, tapos ‘yung katotohanan na sila lang dalawa ang nakakaalam,” dagdag pa ni Cristy.

Depensa pa ng talk show host, nagpadala raw kasi si LJ sa mga bulong, sulsol, at mga kuwento ng iba ukol sa dating partner na maaaring naging dahilan ng pag-aaway ng dalawa.

“Diyos ko, ‘day, sa kanila nakakasawa ‘yun. Kapag nagger ang babae, hindi nila gusto ‘yan.

“Pagod na pagod si Paolo, maghapon magdamag nagtatrabaho, pagdating ng bahay kokomprontahin mo pa at sisinghalan? ‘Di ba parang ganon? Siyempre hindi gugustuhin ng lalaki ‘yan,” saad pa nito.

Tila may patutsada pa ang talk show host kay LJ sa nangyaring exclusive interview nito kay Tito Boy kung saan umiiyak ito habang ikinukuwento ang pinagdaraanan.

Para bang ipinahihiwatig nito na may kasalanan si LJ kung bakit tuluyang nasira ang samahan nila ni Paolo.

Nag-quote pa nga ito ng sinabi ng isang aktres na hindi naman niya pinangalanan ng, “I’ll just cry and people will believe me.”

Maraming netizens ang hindi napigilan ang pagrereact sa ginawang pagdepensa nito kay Paolo.

“Paliwanag mo ngaun cristy fermin ang kumakalat na mga picture at video ngaun na kumakalat!!! Oh kalat na nga ang katotohanan patawa ka lagi,” comment ng isang netizen.

“Hindi nmn magbubunganga ang babae kung walang dahilan! Kung may problema pagusapan, kung may pagkukulang puna hindi solusyon yung pangbababae sy pangiiwan! Mga baluktot na excuses lng yan para madefend yung pangbababae nila,” sey naman ng isang netizen.

Mukhang wala talagang balak na magsalita si Paolo at hinahayaan lang niya ang madlang pipol sa mga nais nitong isipin.

Matatandaang nauna na siyang dinepensahan ng talent manager niyang si Lolit Solis na umani rin ng batikos mula sa netizens.

Mananatiling bukas ang BANDERA sakaling naisin ni Paolo na ilahad ang kaniyang side story sa isyu na ito.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending