Lolit Solis sa hindi pagsusustento ni Paolo Contis sa mga anak: Maaga pa, puwede pang bumawi | Bandera

Lolit Solis sa hindi pagsusustento ni Paolo Contis sa mga anak: Maaga pa, puwede pang bumawi

Therese Arceo |February 03,2023
facebook
share this

Lolit Solis sa hindi pagsusustento ni Paolo Contis sa mga anak: Maaga pa, puwede pang bumawi

Therese Arceo - February 03, 2023 - 10:03 PM

Lolit Solis sa hindi pagsusustento ni Paolo Contis sa mga anak: Maaga pa, puwede pang bumawi
NAGSALITA na rin ang showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis patungkol sa isyu ng hindi pagbibigay sustento ni Paolo Contis sa kanyang mga anak.

Sa panayam kasi ng actor-comedian sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay natanong ito patungkol sa kanyang relasyon sa mga bata ay kung nagbibigay ba ito ng suporta sa kanila.

Inamin naman ng alaga ni Lolit na hindi nga siya nakapagbibigay ng sustento sa mga ito lalo na sa anak niya sa dating asawang si Lian Paz na sina Xalene at Xonia.

At ito nga ang naging topic ni Manay Lolit sa isinulat niya sa kanyang Instagram account patungkol sa alagang si Paolo.

“Ngayon yata Salve naging very exciting ang mga issues kay Paolo Contis. I don’t blame the people accusing him na hindi nagbibigay ng suporta, hindi dinadalaw ang mga anak.

“No amount of apologies ang puwede magbura sa hindi mo pagbibigay ng oras para makita ang mga anak mo,” saad ni Manay Lolit.

Aniya, suwerte pa nga raw si Paolo dahil maayos ang naging buhay ni Lian at maayos rin ang pakikisama ng fiance nito sa kanyang mga anak.

Sinabi rin ni Manay Lolit buti na lang rin ay maganda ang buhay ni LJ kaya maayos rin ang buhay ng kanyang bunsong si Summer na nasa New York ngayon.

Ngunit para sa talent manager, kahit na hindi financial support ang ibigay ni Paolo, ay sana mabigyan niya ng oras at panahon ang mga anak.

“Huwag na iyong pera na suporta, o anuman materyal, sana lang meron siyang ibinigay na oras para hindi maputol ang communication sa mga anak. Pero maaga pa, puwede pang bumawi si Paolo Contis,” lahad ni Manay Lolit.

Dagdag pa niya, “Sana nga ay nag mature na siya para makita ang responsibilidad na nasa balikat niya. Sana nga ay maayos na niya ang napaka salimuot na journey ng buhay niya.”

Hirit pa ni Manay Lolit, sana raw ay totoo ang sinabi nito sa national GV na may itinatabi siyang pera para sa tatlong anak na babae sa kabila ng hindi nito pagpapadala ng sustento.

“Tutoo nga sana na may iniipon siyang pera para ibigay sa mga anak niya pagdating ng panahon.

“Bata pa nasa showbiz na si Paolo Contis. Kung iisipin mo napakarami na sana ng kinita niya at naging investment kung naging maayos ang financial handling niya.”

Chika pa niya, huli na rin naman daw paea magsisuhan pero sapat ay magdoble sipag ang aktor at sana mas mapagkalooban pa ito ng mga proyekto para matupad nito ang pangaeap na bahay at malaking pera sa bangko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

“Tatlo ang anak niya na dapat niyang pag ipunan, at kahit late niya naisip magpundar ng bahay, medyo hindi ganuon kaganda ngayon ang lagay ng showbiz.

“Wish you luck Paolo, likas kang mabait, kaya sana naman matupad ang mga pangarap mo. Huli man bago mo naisip mag pundar sana naman matupad ito,” hiling ni Manay Lolit.

Dagdag pa niya, sana raw ay pagdating ng araw ay magawa nito ang mga obligasyon at responsibilidad sa kanyang mga anak at nawa’y manatili ang respeto at pagmamahal ng mga ito sa kanya kahit hindi niya ito nakikita.

“Hindi pa huli para maayos lahat sa buhay ni Paolo Contis. Sana nga si Yen Santos na ang makatulong niya para sa maayos na buhay. We wish them well, sana nga forever na sila,” hirit pa ni Manay Lolit.

Related Chika:
Paolo Contis aminadong hindi nagbibigay sustento sa mga anak: I had my reasons

Lolit Solis may pa-blind item, alagang si Paolo Contis sinasayang raw ng isang TV network?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Habangbuhay dadalhin ni Paolo kung anuman ang kasalanang nagawa niya — Lolit Solis

Paolo Contis sa paghihiwalay nila ni LJ Reyes: ‘Bakit ako magso-sorry sa tao? Wala naman silang kinalaman sa mga nangyari’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending