Paolo Contis aminadong hindi nagbibigay sustento sa mga anak: I had my reasons | Bandera

Paolo Contis aminadong hindi nagbibigay sustento sa mga anak: I had my reasons

Therese Arceo |January 28,2023
facebook
share this

Paolo Contis aminadong hindi nagbibigay sustento sa mga anak: I had my reasons

Therese Arceo - January 28, 2023 - 12:51 PM

Paolo Contis aminadong hindi nagbibigay sustento sa mga anak: I had my reasons
AMINADO ang Kapuso actor-comedian na si Paolo Contis na hindi siya nagbibigay sustento kina Xonia at Xalene, mga anak niya sa dating asawang si Lian Paz.

Sa kanyang interview sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay diretsahan niyang inamin ang mga bagay patungkol sa relasyon niya sa kanyang mga anak.

Si Paolo ay may tatlong anak at puro ito a babae. Dalawa sa kanyang ex-wife na si Lian Paz, sina Xonia at Xalene. Isa naman sa kanyang ex-live in partner na si LJ Reyes.

Aniya, sa tuwing pumapasok naman raw sa relasyon ay hindi mo naman pinaplano na umalis at iwan ang taong minamahal mo ngunit may mga bagay raw talaga na nangyayari na humahantong sa paghihiwalay.

Pagbabahagi ni Paolo, “Every time na nasa relationship ako, I really love the person and I think saksi naman ang mga tao how I love. Bigay todo naman talaga akong magmahal. Kaya lang siguro may mga ilang bagay na hindi na alam ng publiko na mga nangyayari privately na doon napupunta, doon nahahantong.

“Basically lahat naman ng pwedeng gawin para i-save ang relasyon, ginagawa ko ‘yun. Kaya lang ang alam lang ng tao is kapag natapos na. So nagkaroon ng konting reputasyon kung bakit ganoon ang naging tingin sa akin ng tao.”

Para raw sa kanya, hindi siya ang klase ng taong inilalarawan ng tao at naniniwala siyang mabuti siyang tao na minsan ay nakakagawa ng kamalian.

“Fact is lahat ng mali ko, alam ko kaya ako nag-sorry. Kaya ako laging nagso-sorry. I posted an apology because I know I was wrong. Nagrason ba ako? Wala naman akong rason doon sa sinabi ko. I knew I was wrong, I said I was sorry. I don’t want to justify my mistakes because mistake is a mistake,” saad ni Paolo.

Ngayon raw ay natututunan niyang mag-“own up” sa kanyang mga kamalian. Ibinahagi rin niya na nagsasabi naman raw siya ng totoo hindi nga lang sa publiko bagkus sa mga taong involved.

Lahad ni Paolo, “Healing and forgiveness, I think it takes time. Maturity, I believe, isa rin yun sa wala ako nung mga panahon dati. Feeling ko kasi, bata pa ako.

“Actually, last year lang, naisip ko, thirty-nine [39] na ako, hah! Parang ang tanda ko na para magkamali nang ganito so I’m fixing it.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)

Dito nga ay natanong siya patungkol sa hindi niya pagbibigay sustento sa mga anak na inamin naman niyang hindi siya nakapagbibigay.

Pagpapaliwanag ni Paolo, “I had my reasons why, but I’m saving for them. I have some savings for them that, hopefully, one day, I could give them straight.

“As I’ve said, I had my reasons, pero anong point? I don’t wanna argue about it anymore. Ayoko na siyang lumaki. It’s a mistake na nasimulan ko ever since before na hindi ako nakapagbigay.”

Ngunit nang makapagtrabaho raw si Paolo nang maayos ay sinimulan na niyang mag-ipon para sa mga anak at pinaplano niyang ibigay ito straight kina Xonia, Xalene, at Summer.

Bagamat aware siya na wala siyang relasyon sa mga anak lalo na kina Xonia at Xalene dahil matagal na nang huli niya itong nakita.

“The last time I saw my… Xonia and Xalene, mga seven, six or seven years ago when we went to Cebu. And then, naputol na naman,” sey ni Paolo.

Inamin niya rin na natatakot siyang dumating sa puntong magalit sa kanya ang mga anak.

Nang tanungin naman ni Tito Boy si Paolo kung mahal niya ang mga ito, sinagot niya ito ng “sobra” at sinabing nais niyang bumawi sa mga bata.

“Yung sa dalawa (Xonia at Xalene), yun, medyo malalim-lalim na yung pagkukulang ko so hindi ko sila masisisi,” saad ni Paolo.

Lubos rin siyang nagpapasalamat sa dating asawa at sa kasalukuyang partner nito na tumulong sa pagpapalaki sa kanyang mga anak.

“And I would like to take this opportunity to tell Lian and John, thank you for doing a great job sa mga bata. Dun, suwerte ako kasi mabait yung John, e…” umiiyak na sabi ni Paolo.

Ang “John” na tinutukoy ng Kapuso actor ay si John Cabahug, ang fiancé ni Lian na siya ring kinikilalang ama ng kanyang mga anak.

Related Chika:
Lian Paz binalikan kung paano tinaguyod ang mga anak noon nang mag-isa: It was not an easy path but…

Cristy Fermin ipinagtanggol si Paolo Contis; netizens mas nagalit

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hugot ni Paolo: Bilang artista kung pangit ang acting ko, du’n n’yo ako i-judge…

Habangbuhay dadalhin ni Paolo kung anuman ang kasalanang nagawa niya — Lolit Solis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending