Hugot ni Paolo: Bilang artista kung pangit ang acting ko, du'n n'yo ako i-judge... | Bandera

Hugot ni Paolo: Bilang artista kung pangit ang acting ko, du’n n’yo ako i-judge…

Ervin Santiago |November 08,2021
facebook
share this

Hugot ni Paolo: Bilang artista kung pangit ang acting ko, du’n n’yo ako i-judge…

Ervin Santiago - November 08, 2021 - 09:47 AM

Paolo Contis at Heart Evangelista

“NANINIWALA ako na we shoud be judged by our profession.” Yan ang bagong hugot ng controversial Kapuso actor at comedian na si Paolo Contis.

Walang nagtanong kay Paolo tungkol sa break-up nila ng kanyang ex-partner na si LJ Reyes sa ginanap na virtual presscon ng bago niyang serye sa GMA, ang “I Left My Heart In Sorsogon” kung saan makakatambal niya si Heart Evangelista.

Ngunit kung pagmamasdan at tititigan ang itsura niya sa zoom presscon, tila may bahid pa rin ng kalungkutan ang kanyang puso at isipan. Ramdam mo na talagang apektado pa rin siya sa mga nangyari sa personal niyang buhay.

Pero in fairness, kahit nga may pinagdaraanan humarap pa rin siya sa entertainment media para sagutin ang ilang tanong sa kanya tungkol sa bago niyang teleserye.

Nahingan ng reaksyon ang aktor tungkol sa nag-viral niyang litrato mula sa tweet ng BTS member na si J-Hope. Kamukhang-kamukha kasi ni Paolo ang nasa litratong ipinost ng Korean superstar.

Natawa lang daw siya nang makita ang trending tweet ni J-Hope. Aniya, at least daw may bagong “issue” sa kanya na nakakatuwa at nakakatawa kaya kahit paano’y nabawasan na ang nangnenega sa kanya matapos ang break-up nila ni LJ Reyes.

View this post on Instagram

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)


“As an actor, siyempre mas gusto natin na kung mag-trend ka dahil sa acting ko. Kung ma-bash ka dahil sa acting ko, di ba? Kasi, artista ako, e.

“Naniniwala ako na we shoud be judged by our profession. Kung mali akong umarte, bilang artista kung pangit ang acting ko, du’n niyo ako madya-judge. Kung maganda, ‘yun yung maganda.

“Kung nai-enjoy ko siya (pagiging trending at viral celebrity), hindi naman nai-enjoy. Pero naninibago ako to be honest.

“Kahit anong galaw mo, napapansin siya, nama-magnify siya. So, naninibago ako. Pero sabihing nae-enjoy ko siya, hindi naman.

“Pero tanggap ko ba siya? Yes. I know it’s part of the job. I know it’s ano…again, mas natutuwa ako at mas matutuwa ako tuwing ang napapansin ay ang magandang ginawa mo sa trabaho,” pahayag pa ng Kapuso actor.

Kaya sana raw, mas mapansin ng manonood ang ginawa niya sa “I Left My Heart In Sorsogon” kasabay ng pagmamalaki kung gaano kaganda ang bagong serye ng GMA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasama rin sa nasabing serye si Richard Yap, Mavy Legaspi, Kyline Alcantara, Michelle Dee at marami pang iba. Ito’y sa direksyon ni Mark Sicat dela Cruz. 
Magsisimula na ito sa Nov. 15 sa GMA Telebabad pagkatapos ng “24 Oras.”  

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending