Lian Paz binalikan kung paano tinaguyod ang mga anak noon nang mag-isa: It was not an easy path but... | Bandera

Lian Paz binalikan kung paano tinaguyod ang mga anak noon nang mag-isa: It was not an easy path but…

Therese Arceo |December 21,2022
facebook
share this

Lian Paz binalikan kung paano tinaguyod ang mga anak noon nang mag-isa: It was not an easy path but…

Therese Arceo - December 21, 2022 - 10:41 PM

Lian Paz binalikan kung paano tinaguyod ang mga anak noon nang mag-isa: It was not an easy path but...
SINARIWA ng dating EB Babes dancer na si Lian Paz ang mga pinagdaanan noon nang mag-isa niyang buhayin ang mga anak na sina Xonia at Xalene.

Sa kanyang Instagram account ay binalikan ng dating mananayaw ang mga panahong itinataguyod niya ang mga anak.

May ipinost nga noon si Lian na wishlist ng mga pangangailangan ng dalawa sa araw-araw para may ideya na ang mga ninong at ninang kung ano ang ireregalo sa kanyang mga chikiting.

Base sa screenshot ay gatas at mga diaper ang kanyang hiling na regalo para kina Xonia at Xalene.

“10 years ago… yung panahon na ako lang mag isa sa lahat kaya ito ang mga wishlist ko … noon ang daming worries, I was angry at God kaya hindi ako nagtiwala sa kanya,” pagbabahagi ni Lian.

Pagpapatuloy niya, “I did things my way and it led me to things I regret looking back, But just 1 day, I decided to call on him for help… and he changed my life!”

Ang naturang post raw ni Lian zeay nangyari isang buwan bago niya makilala ang fiancé na si John Cabahug, mga panahong nagtiwala siya sa Panginoon at unti-unting binago ang kanyang buhay.

Sey pa niya, “It was not an easy path but his mercy and grace keeps on pouring, one day at a time until today. God, I love you! Thank you for never giving up on me. Thank you for your mercy and grace! You are AMAZING!!!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lian Paz (@liankatrina)

Nag-comment nga si John sa kanyang post at sinabing “I love you Lian my [dragon] with a [heart]. Thank you sa tiwala mahal ha.”

“Salamat din sa lahat mahal,” reply naman ni Lian.

Sina Xonia at Xalene ay anak ni Lian sa dating karelasyon na si Paolo Contis.

Matatandaang noong September 2012 nang tuluyang maghiwalay ang dalawa na siyang naging usap-usapan noon.

Sa ngayon ay naka-base na sa Cebu si Lian matapos talikuran ang mundo ng showbiz at nag-focus na lamang sa kanilang pamilya at business.

Related Chika:
Lian Paz masaya sa piling ng fiancé: I love you BERy much!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

LIAN PAZ may bago nang boyfriend, nakalimutan na si PAOLO?

LIAN PAZ: Nakakahiya naman ‘yun sa akin bilang babae at ina!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending