Lian Paz masaya sa piling ng fiancé: I love you BERy much! | Bandera

Lian Paz masaya sa piling ng fiancé: I love you BERy much!

Reggee Bonoan |September 03,2021
facebook
share this

Lian Paz masaya sa piling ng fiancé: I love you BERy much!

Reggee Bonoan - September 03, 2021 - 12:29 PM

IISA ang hula ng followers ni Lian Katrina o mas kilala bilang si Lian Paz na ex-wife ni Paolo Contis tungkol sa ipinost niya sa kanyang IG story na, “Everyday is a new day, whatever happened yesterday belongs to the past. We have to be thankful for the present. God is Good! All the time!!!”

Ang post na ito ay tungkol daw kay Paolo na iniwan din si Lian at ang dalawang anak na babae at hindi rin nagbibigay ng sustento.

May pinost din si Lian nitong Setyembre 1 na hinahalikan niya ang fiancé niyang si John Cabahug na may caption na, “I love you BERy much!

Maraming netizens ang nagsabing masaya silang nakita at natagpuan na ni Lian ang tamang lalaking magmamahal sa kanya ng tapat.

Mula kay @jjjoyhoy, “I’m happy to see you Lian that your happy with the right person, I feel bad sa lahat ng pinagdaanan mo don sa ex mo na ginawa din niya ngayon kay LJ. I hope na maging ok si LJ like you soon.”

Sabi naman ni @robitaoce, “Tuloy ang ligaya ng couple na to ‘ung ex mo iniwan ulit sa ere ang kinakasama.”

Ayon kay @antoneskeneth, “Korek hahahhahahaha pinatunayan lng n wala tlg sya kwenta @liankatrina parehas tayo, my ex husband nambabae sa ika-apat na babae nabuntis, sa loob ng 11 years natagpuan ko ang parner ko, sya ang umako sa responsibilidad ng daughter ko sa ex husband ko, ngun masaya n kmi ng anak ko sa binuo nmn pamilya ksama ang partner ko ngyn, really GOD IS GOOD.”

Wish naman ni @mimilalalabs22, “Naway makahanp din c LJ ng forever n kgaya ng sa iyo happy couple, .sinira din n Paolo career mo ksikatan mo s Eat Bulaga hays jusko matakot n sna mga babaeng ppsok s buhay ni Paolo kloka.”

Sa kasalukuyan ay sa Cebu naka-base sina Lian at John kasama ang mga anak dahil sa family business ng huli na tmutulong din ang una.

Hinihintay na lang ni Lian na mapawalang bisa ang kasal nila ni Paolo para makasal naman sila ni John na noong Pebrero 2020 pa nag-propose sa kanya pagkalipas ng walong taon nilang pagsasama at nabiyayaan na sila ng isang anak na babae.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending