Lolit Solis may pa-blind item, alagang si Paolo Contis sinasayang raw ng isang TV network? | Bandera

Lolit Solis may pa-blind item, alagang si Paolo Contis sinasayang raw ng isang TV network?

|November 18,2022
facebook
share this

Lolit Solis may pa-blind item, alagang si Paolo Contis sinasayang raw ng isang TV network?

- November 18, 2022 - 05:41 PM

Lolit Solis may pa-blind item, alagang si Paolo Contis sinasayang raw ng isang TV network?
PINURI ng talent manager at kolumistang si Lolit Solis ang isa sa kanyang mga alagang si Paolo Contis.

Sa isa sa kanyang Instagram post ay ibinandera niya ang alaga.

Pagbabahagi ni Manay Lolit, sa lahat ng mga naging alaga niya ay isa nga ang aktor sa mga love na love niya.

Aniya, “Sa lahat ng anak alaga ko Salve isa si Paolo Contis sa mga love ko. Alam mo ba kung bakit ? Kasi may innocence siya of a child, iyon bang parang bata na sumusunod lang , nagtatampo pag pinagalitan pero hindi kumikibo at nakikinig lang.”

Dagdag pa ni Manay Lolit, magaan raw kasama si Paolo at very professional ang approach niya sa lahat ng bagay.

Bukod pa rito ay sinabi rin ng talent manager na merong inner intelligence at wisdom ang alaga kaya pag nagsalita ito ay talagang may sense.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

“All around acting ang kaya niya, drama, comedy, character acting, bida kontrabida. Lahat napapakisamahan niya, wala siyang problema pagdating sa pakikisama. Kaya naman isa siya sa pang matagalan pagdating sa showbiz ang pag uusapan,” sey pa ni Manay Lolit.

Ngunit sa kabila ng magagandang qualities ni Paolo at napapaisip pa rin ng talent manager kung bakit tila sinasayang raw ng Kapuso network.

“Kaya nga nagtataka ako kung bakit sinasayang ng GMA7 ang talent niya considering na isa siyang Sparkle star. At iyon star aura ni Paolo mas higit pa nga kesa sa isang star na nanggaling sa kabila,” patutsada ni Manay Lolit.

Tila may pa-blind item pa nga ang kolumnista at iniisip kung may kaugnayan nga ba ito sa naging paglipat ng isang “big star” mula sa kabilang network sa GMA.

Hirit pa ni Manay Lolit, “Ewan ko kung bakit , pero talagang nahiwagaan ako Gorgy at Salve. May something kaya duon sa lumipat at parang isang big star ang turing sa kanya ? Investigate please.”

Oh well, sino nga kaya ang tinutukoy ng kolumnista at ano ang epekto nito sa ganap ng kanyang alaga?

Related Chika:
Lolit Solis hiniling na sana’y mapatawad ni LJ si Paolo

Hugot ni Paolo: Bilang artista kung pangit ang acting ko, du’n n’yo ako i-judge…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Yen Santos sinusulsulan ba si Paolo na huwag kausapin si Lolit Solis?

Paolo nakiusap kay Lolit Solis na tantanan na siya: Mamaya ma-stroke na naman ang mama ko…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending