Paolo nakiusap kay Lolit Solis na tantanan na siya: Mamaya ma-stroke na naman ang mama ko…
IBINUNYAG ng talent manager na si Lolit Solis na nakiusap daw ang kontrobersyal na Kapuso actor at alaga niyang si Paolo Contis na tumigil na siya sa paggawa ng issue tungkol sa kanya.
“Ito ngang si Gorgy, tumawag sa ‘kin minsan. ‘Oy nay! Ano daw sabi ni Paolo tigilan mo na daw’. ‘Bakit sa inyo pinapadaan? Bakit ikaw kinakausap niya, ako hindi?’ Talagang ayaw pa rin akong kausapin, ‘di ba?
“Kung anu-ano daw mga pinagsasabi ko. ‘Yung mga uubusin ‘yung pera ni Yen (Santos) tapos wala siyang pamasahe papuntang New York,” sey ni Lolit nang biglang may tumawag sa kaniya.
“Sabi daw ni Paolo kay Gorgy, ‘Sabihin mo kay Nanay, tumigil na. Mamaya ma-stroke na naman ang mama ko sa mga pinagsasabi niya,” dagdag pa ni Manay Lolit.
Marahil ay nais na ni Paolo na mag-move forward sa mga isyung kinasangkutan at inilalaan na lang ang oras sa mga proyekto nito.
Wala rin namang naging statement na nagmula kay Yen Santos kaya hindi na rin sila masyadong pinag-uusapan ng mga “Marites” sa social media.
Samantala mukhang maayos naman ang nangyayari ngayon sa life at career ng ex-partner nitong si LJ Reyes na kasalukuyang nasa New York kasama ang dalawang anak.
Matapos mag-trending ang kanilang kontrobersyal na hiwalayan sa aktor na si Paolo ay marami na ang mga matang nakatutok at nakaabang sa healing hourney ng aktres.
Sa kabila ng heartbreak na pinagdaanan ay tuloy-tuloy naman ang blessings nito. Sa katunayan, ibinahagi ng aktres sa kaniyang socmed accounts na nakipag-meeting siya sa Deputy Consul General ng Philippine Consulate General sa New York.
“What a meaningful afternoon chat today with Deputy Consul General Arman Talbo of the Philippine Consulate General in New York. Exciting project ahead! @wonderjaneph,” pagbabahagi ng aktres.
Marami tuloy ang curious kung ano ang exciting project nito at marami rin ang nagpaabot ng suporta kahit nananatiling sikreto pa ang proyekto.
“But for the mean time, it is never too late to exercise your right to vote even when you’re abroad! Walk-ins are now accepted under limited capacity,” pagpapaalala naman nito sa mga hindi pa registradong Pinoy abroad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.