Ryza Cenon napagkamalang may malubhang sakit matapos magpakalbo
INAMIN ng “Lilim” star na si Ryza Cenon na napagkamalan siyang may iniindang sakit matapos niyang ibandera sa publiko ang kanyang pagiging kalbo.
Sa kanyang naging panayam sa Kapamilya broadcast-journalist na si Karen Davila na mapapanood sa YouTube channel nito ay sinabi niyang ang dahilan ng kanyang agpapakalbo ay para sa karakter niya sa pelikulang “Lilim”.
“No’ng nag-story con kami and then no’n ko po nalaman na lahat po kami kalbo. May isa pong cast na nag-look test po ng bald cap. And nakita ko po sa kaniya kung nakakakilos ba siya nang maayos […] so nakikita ko po na nahihirapan siyang maglingon-lingon,” saad ni Ryza.
At para makapagpokus siya sa kanyang pag-arte at pagganap sa kanyang karakter, nagdesisyon na siyang magpatanggal ng buhok.
Baka Bet Mo: Ara Mina, Ryza Cenon, Daiana Meneses mga bagong ‘Tourism Beauties’
View this post on Instagram
“Sabi ko, hindi yata ako komportable sa gano’n kasi malilimitahan po ‘yong acting ko, ‘yong galaw ko, lahat. Kasi iintindihin ko siya kung paano siya hindi magmukhang prosthetic,” sabi pa ni Ryza.
Kaya naman nagulat na lang daw ang kanyang mga katrabaho nang makita siyang kalbo sa first day ng kanilang shooting.
Wala namang naramdamang pagsisisi si Ryza sa kanyang naging desisyon dahil nasa bucket list pala niya ang pagpapakalbo ngunit may mga taong inakala na may sakit siya dahil rito.
“Actually, nasabi nga nila parang may sakit daw po ako dahil nga nagpakalbo. Pinakita ko po na hindi ibig sabihin kalbo ka, may sakit ka.
“Natuwa rin po ako kasi ‘yong mga cancer patient po nagme-message sa akin. Nagte-thank sila na parang ‘thank you. Na-inspire kami sa ‘yo. Kahit kalbo ka hindi mo ikinahiya.”
Kaya naman nagkaroon ng mas malalim na dahilan ang pagiging kalbo ni Ryza na labis niyang pinagmamalaki.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.