Ryza Cenon pinalakas ang loob ng mga alopecia at cancer patient | Bandera

Ryza Cenon pinalakas ang loob ng mga alopecia at cancer patient

Ervin Santiago - August 05, 2024 - 06:15 AM

Ryza Cenon pinalakas ang loob ng mga alopecia at cancer patients

Ryza Cenon

HINDI in-expect ni Ryza Cenon na magkakaroon ng matinding impact ang pagpapakalbo niya sa mga kababayan nating may sakit na alopecia at cancer.

Ang pagpapa-shave ni Ryza ng hair ay para sa bago niyang pelikulang “Lilim” pero hindi niya akalain na marami siyang napabilib at na-inspire sa kanyang tapang na magpakalbo.

“Hindi naman nire-require ng production so ako po ‘yung nag-insist na magpapakalbo ako.

“Nabasa ko na (yung script) and nakita ko rin sa look test namin ‘yung bald cap na prosthetics, parang mas feeling ko mas makakatulong if totoong kalbo na lang,” ang sabi ni Ryza sa panayam ni Bianca Gonzalez para sa TFC show na “BRGY.”

Baka Bet Mo: Kaye Abad gulat na gulat sa naging impact ng ‘Tabing Ilog’ sa madlang pipol, posible pa kayang magkaroon ng reunion at bagong version?

Ipinaalam naman daw ng aktres sa anak niyang si Night bago siya magpakalbo,  “Nagpaalam din po ako sa kanya, sabi ko, ‘Magpapakalbo si mommy katulad ng hair mo pero mas less hair ako, ‘yung walang hair talaga.’ Tapos ang sabi lang niya, ‘Okay go.'”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon)


Naging emosyonal naman si Ryza nang makatanggap ng magagandang salita mula sa mga taong may alopecia pati na sa mga cancer patients.

“Hindi ko in-expect talaga na may ganu’n, na ganu’n ‘yung impact nung pagpapakalbo ko dahil isa lang naman ‘yung purpose ko dahil sa role.

“Hindi ko naman akalain na another role pa pala akong gagampanan na ire-represent at silang lahat ‘yun so kaya nakakatuwa,” aniya.

Binigyan-diin din niya na hindi ang panglabas na anyo ng isang tao ang magde-define sa kanyang pagkatao kundi ang kabutihan pa rin ng puso at pagbibigay respeto sa kapwa.

Baka Bet Mo: Ryza Cenon pinagtripan ng netizens, tinawag na ‘ingrata’ at ‘insensitive’ ng bashers

“Ang importante kung ano ‘yung nasa puso mo. Hindi naman siya nagde-define na kung kalbo ka loser ka na or nakakatawa ka. No, hindi iyon ‘yun. For me ‘yung kalooban mo ‘yung nagde-define sa ‘yo,” sabi ni Ryza.

Nagpapasalamat din siya sa mga alopecia patients at cancer warriors sa lahat ng magaganda at inspiring message na natatanggap niya mula sa mga ito.

“Isa lang po ‘yung main message nila na ngayon na parang lumakas ‘yung loob nila na tanggalin ‘yung wig, na hindi na lang mag-wig o itago siya kasi kung nakaya ko raw, kaya rin nila,” sabi ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon)


Samantala, tungkol naman sa pagiging hands-on mom sa kanyang 3-years-old son na si Night, napakarami raw talagang nagbago sa kanya mula ng maging nanay siya.

“Nu’ng single ako lahat ginagawa ko eh, nagha-hike ako, nag-wall climb ako. Ngayon hindi ko na lahat nagagawa ‘yun dahil mas focused na ako sa kanya dahil super clingy niya.

“Tapos .arunong na rin siyang mag-read pero iga-guide mo pa rin pero marunong na siya ‘yung mga basic,” sey pa ng proud nanay.

“Cool and strict” mommy naman kung ilarawan niya ang sarili, “Cool kasi ‘yung mga kalokohan minsan kasama ako du’n, nandun din ako eh sumasali ako sa kanya.

“Strict ako when it comes to values. Pagdating sa mga the way siya makipag-usap sa mga adults and then tinuruan ko rin siya mag-Tagalog.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Iyon ‘yung mga mother tongue niya kasi gusto ko ma-recognize niya ‘yung wika natin na Tagalog kasi nasa Pilipinas siya so kailangan niyang mahalin ang wika natin na Tagalog kasi ‘yung English naman pwede niyang matutunan sa school,” dagdag pang chika ni Ryza Cenon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending