Ryza pangarap talagang magpakalbo: Nasa bucket list ko siya!

Ryza pangarap talagang magpakalbo: Nasa bucket list ko siya!

Ervin Santiago - July 02, 2024 - 07:34 AM

Ryza pangarap talagang magpakalbo: Nasa bucket list ko siya!

Ryza Cenon

MATAGAL na palang pangarap ni Ryza Cenon ang magpakalbo kaya nang magkaroon siya ng chance ay talagang ginawa na niya ito.

Marami ang nagulat nang ibandera ni Ryza sa social media ang kanyang mga litrato kung saan makikita nga ang kanyang fierce new look.

Sabi ng aktres, hindi naging big deal sa kanya ang magpakalbo na kailangan  daw sa magiging role niya sa bagong pelikulang gagawin niya.

Baka Bet Mo: Xian Lim umaming naging ‘stalker’ ni Ryza Cenon; makakasama si Alden Richards bilang host ng Miss Universe PH 2023 pageant

Sa nakaraang episode ng “Dapat Alam Mo!” na napapanood sa GTV, nakapanayam ng host nitong si Kim Atienza si Ryza at isa nga sa napag-usapan nila ay ang kanyang pagpapakalbo.

“Noong nag-look test kami tapos nakita ko po kasi ‘yung bald cap namin, hindi ako convinced. And then nag-script reading kami, doon ko nabubuo ‘yung character ko.

“And then na-realize ko na parang, kailangan ko siyang gawin, gusto ko siyang gawin. Mabubuo ‘yung character ko na gagawin ko siya eh,” chika ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ang tinutukoy ni Ryza na pelikula ay ang upcoming horror film na “Lilim” mula sa direksyon ni Mikhail Red.

Dito, gagampanan niya ang karakter ni Helena, isang miyembro ng kulto at madre na sumasamba sa demonyong si Lilith.

Natanong ni Kuya Kim si Ryza kung nahirapan ba siyang magdesisyon na magpakalbo, “Sa akin naman po hindi siya big deal eh, sa akin lang.

Baka Bet Mo: Ryza Cenon pinagtripan ng netizens, tinawag na ‘ingrata’ at ‘insensitive’ ng bashers

“Para sa akin, ang hair naman, tumutubo naman kasi siya, bumabalik naman siya. Tsaka pangarap ko siya na maging kalbo.

“Nasa bucket list ko po ‘yan, magpakalbo. Kapag nabuntis ako, magpapakalbo ako,” aniya pa.

Nagbiro pa si Ryza na kalbo rin ang kanyang partner na si Miguel Antonio Cruz pati na ang kanilang baby, “So tatlong itlog po kami. Ha-hahaha!”

Pero agad namang sinabi ni Ryza na nirerespeto niya ang mga babaeng grabe ang pagpapahalaga at pag-aalaga sa kanilang hair.

“Kasi ako po para sa akin, nakaya ko ngang magpakalbo. Sa akin, hindi siya ganoon talaga kahalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero I think sa mga babae, may mga kilala ako na friend ko na mahalaga sa kanila ang hair, sobra. Kasi kaunting trim lang, umiiyak na sila,” sey pa ni Ryza.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending