Ryza dismayado sa bagong bahay: ‘Parang hindi siya new’

Ryza dismayado, hindi masaya sa bagong bahay: ‘Parang hindi siya new’

Pauline del Rosario - August 04, 2024 - 04:17 PM

Ryza dismayado, hindi masaya sa bagong bahay: ‘Parang hindi siya new’

PHOTO: Screengrab from YouTube/Real Ryza Cenon

AMINADO ang aktres na si Ryza Cenon na dismayado siya sa kinalabasan ng bago niyang bahay.

Ito ay dahil hindi ito nagawa nang mabuti na kung saan may mga bitak pa ang dingding nito, hagdan at pati mismo ang main door.

Ito rin daw ang dahilan kung bakit late na siyang nagkaroon ng house tour sa kanyang vlog.

“Maraming nangyari. Mahigit two years sigurong ginagawa ‘yung bahay. Nagkaroon din ng problem and stressed ako. Buti na lang talaga nagpakalbo ako kung hindi lagas lagas na ‘yung buhok ko,” sey niya sa kanyang YouTube channel.

Dagdag pa niya, “Hindi pa gaanong nade-design ‘yung bahay at hindi pa kumpleto ‘yung mga gamit. Ang hirap kumpletuhin kasi palabas-pasok kami sa bahay.”

Kwento pa ng celebrity mom, “May times na ‘di muna kami dito titira, magche-check in muna kami sa hotel dahil gagawin ‘yung bahay dahil merong sira.”

Baka Bet Mo: Ryza Cenon araw-araw natatakot bilang ina ni Night: May time nahulog siya sa kama, umiiyak din ako tapos sorry ako nang sorry sa kanya

Inalala rin ng aktres na kinailangan pa nilang mag-hotel ng halos isang buwan dahil sa house repair.

At hanggang ngayon daw ay may ilang bahagi pa ng kanyang bahay ang kailangan pa ring ipaayos.

“Lumipat kami nung February then madaming naging problems na ginawa, pinalitan ng contractors. Ang dami kasing nagcrack na walls, meron din sa stairs. Nagcrack ‘yung mga wood pati ‘yung main door,” chika ni Ryza.

Patuloy niya, “Pero in fairness naman sa contractor, hindi naman sila ‘yung parang hindi na kami pinapansin. Pumupunta naman sila dito para ayusin.”

Inamin din ng Kapuso actress na hindi nila nabantayan noong ginagawa pa lamang ang kanilang bahay dahil kasagsagan ito ng COVID-19 pandemic.

“Kung titingnan niyo ‘yung house sa malayo, maganda naman talaga siya—’yung design, kulay, everything maganda naman po. Pero once na tiningnan niyo closely ‘yung details nung house, ‘yung finishing nung house, medyo hindi po gano’ng kapulido,” Esplika niya.

Saad pa niya, “Medyo hindi kami gano’ng ka-happy do’n sa naging outcome nung pinaka-finishing nung bahay.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aniya pa, “Panget mang pakinggan pero parang hindi siya new house kung ide-describe mo kasi hindi siya malinis…Parang mukha siyang ni-renovate na house. Parang gano’n ‘yung feel.”

Bandang huli ay nagbigay siya ng payo sa kanyang followers: “Kapag kayo naman po ‘yung nagpagawa [ng bahay], at least alam niyo na po ‘yung first step—maging mapanuri sa pagkuha ng contractor.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending