Kakki Teodoro 'di inaasahan ang Best Supporting Actress Award

Kakki Teodoro ‘di inaasahan ang Best Supporting Actress Award

Therese Arceo - December 30, 2024 - 08:57 PM

Kakki Teodoro 'di inaasahan ang Best Supporting Actress Award

SHOOKT ang theater actress na si Kakki Teodoro matapos tawagin ang pangalan niya at hirangin bilang Best Supporting Actress para sa kanyang pagganap sa pelikulang “Isang Himala”.

Matatandaang nitong Biyernes, December 27, ginanap ang 50th Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal para sa sampung film entries ng MMFF ngayong taon.

Tinalo ni Kakki ang iba pang mga nominado na sina Chanda Romero (Espantaho), Lorna Tolentino (Espantaho), Cristine Reyes (The Kingdom), Gabby Padilla (Uninvited), at Nadine Lustre (Uninvited).

Sa katest episode ng “Ogie Diaz Showbiz Update” ay nahingan ng pahayag ang theater actress hinggil sa kanyang pagkakapanalo.

Chika ni Kakki, hindi niya inaasahan na siya ang makakasungkit ng naturang award.

Baka Bet Mo: Aicelle Santos nanawagan, unahin ang ‘Isang Himala’ sa sinehan

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ✨️ Kakki Teodoro ✨️ (@kakkiness)

“Honestly talaga, hindi ko talaga inexpect ‘to. Kasi may Nadine Lustre, may Lorna Tolentino, may Chanda Romero. Hiningi ko lang kay Lord. Sabi ko, Lord kung may chance na manalo, kahit mag-tie ako with any of them. May Gabby Padilla pa!

“I swear! Hindi ko talaga inexpect. Ta’s no’ng narinig ko ‘yong pangalan ko, parang gusto ko maglupasay,” saad ni Kakki.

Aniya, kahit na mabibigat ang kanyang kalaban ay naghanda pa rin siya ng speech sakaling tawagin siya na nagkatotoo naman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nag-prepare lang ako ng listahan—-just in case! Pero grabe. I can’t believe it. I’m very grateful. Salamat po,” sey ni Kakki.

Samantala, nakiusap naman siya sa mga netizens na panoorin ang kanilang pelikulang “Isang Himala”.

Matatandaang maski ang lead star ng pelikula na si Aicelle Santos ay nauna nang nanawagan na sana ay bigyan rin ng suporta at panoorin ang “Isang Himala” bago ito tuluyang mawala sa sinehan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending