Ogie Diaz sa MMFF Gabi Ng Parangal: Cooking show ba?
MAGING ang talent manager-showbiz insider na si Ogie Diaz ay hindi napigilang mag-react sa naging resulta ng 50th Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal.
Sa kanyang Facebook page ay tinanong niya ang followers kung ano ang sey ng mga ito tungkol sa naturang awards night.
“Any comment sa katatapos na #MMFF50? May cooking show ba o dasurv ng lahat ng winners?” tanong ni Ogie.
Makikita rin na inilabas niya ang kanyang saloobin hinggil sa nominasyon.
Baka Bet Mo: Enrique Gil ayaw nga bang magpa-interview kay Ogie Diaz, anyare?
View this post on Instagram
“Si Muhlach Aga di man lang na-nominate as best actor; si eugene domingo din. Anyare? Di ba nila dasurv? O nakalimutan lang?” dagdag pa ni Ogie.
Agad namang umani ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol ang naturang post ng talent manager.
“Eyy Papa Ogz [Ogie] iba ka talaga pag nag review ng pelikula to the highest level walang echos promise kinikilabutan ako lalo na sa pelikula Green Bones grabee bawat salita binitawan mo at itinaya mo ang pangalan mo sa pelikula talaga napapa wow ako look at now Best Picture, Best Actor & Best Supporting Actor plus more pa .. iba ka talaga papa ogz,” comment ng isang netizen.
Hirit ng isa, “Desire ang mga winners! Pero maski nomination hindi dapat pinagkait kay aga muhlach.”
“Palpak ang production behind the awards night. Lalo na ang mga writers Ng spiel at nangangapa din ang direktor,” chika pa ng isa sa post ni Ogie.
Samantala, makahulugan naman ng kanyang naging Facebook Myday tungkol sa pagpili ng Best Director.
“Nanalong Best Picture, pero hindi ang direktor nito? Paano kayo nasarapan sa kare-kare, pero yung nagluto ng kaldereta ang pinuri n’yo?” sey ni Ogie.
Samantala, nilinaw ni Noel Ferrer na walang nangyaring lutuan sa Gabi ng Parangal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.