Aicelle Santos nanawagan, unahin ang 'Isang Himala' sa sinehan

Aicelle Santos nanawagan, unahin ang ‘Isang Himala’ sa sinehan

Therese Arceo - December 27, 2024 - 07:33 PM

Aicelle Santos nanawagan, unahin ang 'Isang Himala' sa sinehan

NAKIUSAP ang Kapuso singer at actress na si Aicelle Santos na sana’y unahin ng madlang pipol na panoorin ang “Isang Himala” sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024.

Sa kanyang Facebook post nitong Huwebes, December 26, nasabi niya na kakauunti lang ang mga sinehang nagpapalabas ng kanilang pelikula.

“Nag-uupapaw po ang pasasalamat sa magagandang reviews na natatanggap ng Isang Himala,” saad ni Aicelle.

Kasunod nito ang pagsasaning konti lang ang bukas na sinehan para sa kanilang pelikula.

Baka Bet Mo: Vilma, Juday, Aicelle labanan sa Best Actress’ ng MMFF 2024, sino bet niyo?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aicelle Santos 🇵🇭 (@aicellesantos)


“Ngunit sadyang kakaunti lang ang sinehan na nagpapalabas sa amin.Kaya bago pa mawala, unahin niyo nang panoorin ang ISANG HIMALA,” dagdag pa ni Aicelle.

Aniya, paniguradong hindi magsisisi ang mga tao sa kanilang mapapnood.

“Bubusugin ang iyong kaluluwa, tenga, mata at puso, at mag-iiwan ng palaisipan sa iyo, Pilipino,” sey p ni Aicelle.

Ang “Isang Himala” ay reimagined ng classic film na “Himala” ni National Artist for Film Ishmael Bernal at isinulat ni National Artist for Film and Broadcast Arts Ricky Lee na pinagbidahan rin ng isa pang National Artist na si Nora Aunor.

Sa isang panayam ay inamin nga ni Aicelle na talagang nakaramdam siya ng pressure na gampanan ang karakter na Elsa dahil isa rin ito sa mga iconic roles ni Nora na talaga namang nagpahanga sa madlang pipol.

Ito rin ang nag-iisang musical ang tema sa sampung entry ngayon ng Metro Manila Film Festival 2024.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending