Kaye Abad gulat na gulat sa naging impact ng 'Tabing Ilog' sa madlang pipol, posible pa kayang magkaroon ng reunion at bagong version? | Bandera

Kaye Abad gulat na gulat sa naging impact ng ‘Tabing Ilog’ sa madlang pipol, posible pa kayang magkaroon ng reunion at bagong version?

Ervin Santiago |September 14,2023
facebook
share this

Kaye Abad gulat na gulat sa naging impact ng ‘Tabing Ilog’ sa madlang pipol, posible pa kayang magkaroon ng reunion at bagong version?

Ervin Santiago - September 14, 2023 - 06:29 AM

Kaye Abad gulat na gulat sa naging impact ng 'Tabing Ilog' sa madlang pipol, posible pa kayang magkaroon ng reunion at bagong version?

Patrick Garcia, Paolo Contis at Kaye Abad

GULAT na gulat ang Kapamilya actress na si Kaye Abad nang malamang napakarami pa ring nakakaalala sa dati nilang weekly series na “Tabing Ilog” sa ABS-CBN.

In fairness, hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin sa isip at puso ng mga fans ang dating youth-oriented show na tumagal nang ilang taon sa Kapamilya Network na napapanood noon tuwing Linggo nang hapon.

Sa “Tabing Ilog” sumikat sina Kaye, John Lloyd Cruz, Paolo Contis, Desiree del Valle, Jodi Sta. Maria, Baron Geisler, Patrick Garcia, Paula Peralejo at Dimples Romana.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kaye Abad-Castillo (@kaye_abad)


Ayon kay Kaye, nakakatuwang malaman na naaalala at interesado pa rin ang madlang pipol sa “Tabing Ilog” kahit napakahabang panahon na ang nakalilipas.

Sa katunayan, marami ang nagre-request na sana’y magkaroon ng bagong version ang “Tabing Ilog” na sila-sila pa rin ang mga bida. Feeling ng mga fans, ito na ang tamang panahon para gawan ng “reboot” ang naturang serye.

Baka Bet Mo: Lyca sa viral vlog ni Karen: Sobrang totoo po ang gulat ko, ang pangit po ng gulat ko walang maganda!

“Actually medyo nakakagulat na until now, nakaka-remember pa rin sila about it. Super vivid ‘yung memories nila with ‘Tabing Ilog.’

“Lagi ko ngang sinasabi na nasu-surprise ako because while we are doing ‘Tabing Ilog,’ we didn’t know na ganu’n pala talaga ‘yung impact ng show sa mga tao,” pahayag ni Kaye sa panayam sa kanya ni DJ Jhai Ho.

Dagdag pa ng aktres, “We did not know, we were just taping. Until mga 10 years after, ‘yun pa rin ang mga naaalala ng tao.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mavx Productions Inc. (@mavxproductions)


“Nakakagulat na ganu’n pala talaga ‘yung impact ng ‘Tabing Ilog’ sa mga tao na kahit ang dami ko nang nagawang serye, yun pa rin ang naaalala nila sa akin,” dugtong pa niya.

Samantala, nilinaw naman ni Kaye na walang kinalaman sa “Tabing Ilog” ang  upcoming movie niya kasama sina Patrick at Paolo.

“We’re done shooting for the film. I think kakatapos lang nilang mag-edit so I am excited to see the rough edited version. Hopefully, end of this year lalabas, but I am not sure,” chika pa ng aktres.

Aniya pa, “Actually wala siyang kinalaman sa ‘Tabing Ilog.’ I think natuwa lang ang producer that nakuha niya kaming tatlo and apparently ang location sa Nueva Ecija, they own a space also na tabing ilog.

“So, nag-shoot kami sa tabing ilog. But ang story walang kinalaman sa ‘Tabing Ilog,’” kuwento pa ni Kaye about their movie under Mavx Productions.

Paolo atat na atat nang magkaroon ng ‘Tabing Ilog’ reunion; Kaye, Patrick kabado sa pagbabalik-showbiz

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dimples proud na proud sa 4 na ‘baby’; Nikki napa-throwback sa ‘Tabing Ilog’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending