Remake ng Tabing Ilog nina John Lloyd, Baron, Kaye and Jodi kasado na? | Bandera

Remake ng Tabing Ilog nina John Lloyd, Baron, Kaye and Jodi kasado na?

|January 20,2020
facebook
share this

Remake ng Tabing Ilog nina John Lloyd, Baron, Kaye and Jodi kasado na?

- January 20, 2020 - 12:01 AM

NA-EXCITE ang mga fans ng iconic youth-oriented drama series na Tabing Ilog matapos kumalat ang balitang magkakaroon na ito ng remake o ang tinatawag na “reboot”.

Usap-usapan ngayon sa social media ang posibleng pagbabalik ng Tabing Ilog na pinagbidahan noon nina John Lloyd Cruz, Patrick Garcia, Jodi Sta. Maria, Paolo Contis, Desiress del Valle, Baron Geisler, Paula Peralejo ay Kaye Abad.

Mabilis na kumalat ang balita matapos mag-post ang Star Hunt ng ABS-CBN sa Twitter ng litrato ng isang gulong na nakatali sa puno na malapit sa ilog.

Para sa mga naadik noon sa Tabing Ilog alam na alam nila na ang “iconic tire” na yun ay ang makikita sa opening credits ng Tabing Ilog. May nakasulat sa nasabing tweet photo na, “Kamusta ang barkada?”

Sa mga hindi pa nakakaalam, sa nasabing weekly drama series ng Kapamilya Network sumikat ang tambalan nina John Lloyd at Kaye bilang sina Eds at Rovic.

Narito ang ilang reaksyon ng mga netizens sa patikim ng Star Hunt.

“TABING ILOG reboot!!! O bagong tropa? Sana sila sila pa rin! Parang their lives after 20 years!”

“Excited much! Gogogo Eds & Rovic!”

“Don’t tell me may remake ang tabing ilog???!”

“Tabing-ilog remake? OMGGGG!”

“Tabing ilog remake naba ‘to.
KarJon to be part of this serye.”

Ang Tabing Ilog ay nagsimulang umere sa ABS-CBN noong 1999 at natapos taong 2003.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa isang panayam, sinabi ni Baron na matagal nang may plano na magkaroon ng reunion project ang cast ng show, “Si Direk Malu (Sevilla, direktor ng Tabing Ilog) nakakausap ko. Sabi niya gusto niyang gumawa ng pelikula or series na Tabing Ilog reunion na malalaki na kami.”

“Game ako diyan, but we need John Lloyd for this to make it work,” sey ni Baron.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending