Dimples proud na proud sa 4 na 'baby'; Nikki napa-throwback sa 'Tabing Ilog' | Bandera

Dimples proud na proud sa 4 na ‘baby’; Nikki napa-throwback sa ‘Tabing Ilog’

Therese Arceo |September 08,2021
facebook
share this

Dimples proud na proud sa 4 na ‘baby’; Nikki napa-throwback sa ‘Tabing Ilog’

Therese Arceo - September 08, 2021 - 05:51 PM

PROUD na proud ang Kapamilya actress na si Dimples Romana sa kaniyang mga naging babies na sina Kathryn Bernardo, Julia Montes, Andrea Brillantes, at Francine Diaz.

Ibinandera nito sa kaniyang Instagram account kung gaano ito ka-proud sa mga anak-anakan nito na nasaksihan niya kung paano lumaki at gumawa ng pangalan sa industriya.

“My babies!!!! These photos were sent to me by one of our supporters, love you guys!!!!

“What an honor to have worked with four if thr industry’s finest,” saad ng beteranang aktres.

Nakasama ni Dimples Romana sina Kathryn at Julia sa “Mara Clara” noong 2010 samantalang sina Andrea at Francine sa “Kadenang Ginto” noong 2018 at naging parte rin sa kasalukuyang teleserye ng dalawa na “Huwag Kang Mangamba” ngayong 2021.

Marami namang netizens ang napa-like at comment sa post ng dalaga.

Hiling ng isang netizen, “Sana magkaroon po kayo ng teleserye na lima po ulit Ms. Dimples or movie po.”

Malay natin magkatotoo, hindi ba? Paniguradong bubuhos ang luha at emosyon kung sakaling magsama ang lima dahil sa galing ng mga ito sa aktingan at paniguradong walang tapon sa bawat eksena.

* * *

Napa-throwback naman si Nikki Valdez sa kaniyang Instagram account sa picture nila ng mga kaibigang sina Desiree del Valle, Jodi Sta. Maria, at Kaye Abad.

“Don’t you miss this?? @deslois @jodistamaria @kaye_abad,” caption ng aktres.

Ang litrato ay kuha sa kanilang hotel room noong Star Magic Ball, 11 taon na ang nakalilipas.

Saling kitkit daw siya sa mga kaibigang parte ng hit na hit na seryeng “Tabing Ilog” noong 1999 na ipinalabas sa ABS-CBN.

Kasama rin nila sa nasabing show sina Paula Peralejo, John Lloyd Cruz, Patrick Garcia, Paolo Contis at Baron Geisler.

Isa ang “Tabing Ilog” sa talagang minahal at hindi makakalimutan ng mga manonood na tumagal ng apat na taon mula 1999 hanggang 2003.

Comment ng isang netizen, “Namiss ko ang Tabing Ilog. Ginagawa kong orasan to, pagkatapos nun means aalis na kami para magchurch. Minsan nahuhuli kami kasi minsan extended yung oras.”

Sey naman ng isang netizen, “The Tabing Ilog girls are doing great now. The tabing ilog boys ay maraming struggles na pinagdaanan but Patrick, John Lloyd, and Baron are fine now. Paolo is still fighting demons. I hope in time he will find himself again. We all have to go through a rough patch. God bless u guys.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang bilis nga naman ng panahon at hindi natin namamalayan na ang tagal na pala buhat ng mapanuod natin ang mga palabas na minahal at sinubaybayan natin noon.

Ikaw, anong kwentong “Tabing Ilog” mo?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending