Doc Willie Ong nanawagan, gawin libre ang chemotherapy
ISANG pakiusap ang ipinaabot ng celebrity doctor na si Doc Willie Ong patungkol sa gamutan at benepisyong natatanggap mg mga cancer patients dito sa Pilipinas.
Sa kanyang Facebook post nitong Lunes, December 16, nanawagan ito na dapat gawing libre at accessinle ang chemotherapy sa mga taong katulad niya ng pinagdaraanan.
Saad ni Doc Willie, “Dapat LIBRE ang chemotherapy ng lahat ng cancer patients. At least 1 million each mula sa PhilHealth.
“600 billion diumano ang reserve funds ng PhilHealth kaya kayang-kaya dapat ito.”
Baka Bet Mo: Cancer ni Doc Willie Ong patuloy na gumagaling: Akala ko katapusan ko na
View this post on Instagram
Kuwento ni Doc Willie hindi lahat ng klase ng cancer ay covered ng PhilHealth.
“Sa ngayon iilang Cancers lang ang covered by PhilHealth. PAANO pa yung mga Angiogram, Angioplasty, Heart Bypass, CT SCAN, MRI, PET SCAN, Hindi ba dapat libre na rin?
“Common sense lang: Milyon ang namamatay (mga nanay tatay at anak natin) dahil sa 600 Bilyon na iniipon na reserve funds. Alam ko naman ang tunay na dahilan bakit nila iniipon yan,” dagdag pa ni Willie.
Para sa mga himdi aware, September nang makitaan ang celebrity doctor ng 16 x 13 x12 centimeter sarcoma sa kaniyang tiyan.
Sa ngayon ay nagpapgaling si Doc Willie at matatapos na ang kanyang 6 sessions ng chemotherapy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.