Willie Ong unti-unti nang tumutubo ang buhok matapos mag-chem

Doc Willie Ong unti-unti nang tumutubo ang buhok matapos mag-chemo

Therese Arceo - February 27, 2025 - 03:33 PM

Doc Willie Ong unti-unti nang tumutubo ang buhok matapos mag-chemo

MULING nagbigay ng update ang kilalang cardiologist, vlogger, at dating vice president aspirant na si Doc Willie Ong tungkol sa estado nv kanyang kalusugan.

Sa kanyang Facebook post nitong Miyerkules, February 26, ibinahagi niya ang una niyang pagkakaroon ng haircut matapos ang kanyang pagpapa-chemotherapy.

“First Haircut after chemotherapy. Unti-unting tumutubo na ang buhok ko,” saad ni Doc Willie sa caption ng kanyang post.

Nagpasalamat naman siya sa mga taong nagdarasal at sumusuporta sa kanya.

Baka Bet Mo: Doc Willie Ong umatras na sa pagtakbo bilang senador, focus na sa health

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Maraming maraming salamat sa nagdarasal. God bless you,” sabi pa ni Doc Willie.

Matatandaang September 2025 nang isiwalat ng doctor-vlogger na na-diagnose siya ng sarcoma cancer.

Samantala, kamakailan lang nang inurong ni Doc Willie ang kanyang pagtakbo sa pagkasenador sa darating na 2025 midterm elections.

Ito ay para bigyang prayoridad ang kanyang kalusugan.

“Kaya po nagwi-withdraw si Doc Willie, kasi may ilan pa po kaming mga sessions so gusto niya kasi hindi ma-short change ang sambayanan, so sabi niya sige magwi-withdraw muna ako kasi may few treatments pa,” saad ng asawa niyang doktor rin na si Dra. Liza Ong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami naman sa mga netizens ang natuwa sa unti-unting pag-ayos ng kalusugan ni Doc Willie.

“Pagaling ka po doc wellie marami pa ang tao na nangangaylangan Sayo mabuhay ka po Ng napakahaba po salamat po sa mga advice nyo maraming Filipino na natoto dhl sa mga payo nyo po, ” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Kabutihan ng Diyos lagi sumasainyo pinagpapal ka doc Ong mabait Kang tao and may mabuting puso.God Bless po.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending