Doc Willie Ong aayusin ang healthcare system kapag gumaling

Doc Willie Ong nangakong aayusin ang healthcare system kapag gumaling

Therese Arceo - September 27, 2024 - 11:25 PM

Doc Willie Ong nangakong aayusin ang healthcare system kapag gumaling

NANGAKO ang kilalang doctor-vlogger na si Doc Willie Ong na aayusin nito ang healthcare system sa Pilipinas sa oras na siya ay gumaling.

Para sa mga hindi aware, nitong buwan lang ay ginulat ng kilalang doktor ang madlang pipol matapos nitong ianunsyo sa publiko ang pagkakaroon niya ng sakit na sarcoma cancer.

Nitong Huwebes, September 26, muling naglabas ng vlog si Doc Willie Ong.

Dito ay mapapanood ang kanyang kabiyak na si Doc Liza Ong na nagbibigay ng mensahe ng pasasalamat sa mga taong patuloy na nagbibigay suporta at dasal sa maysakit na doktor.

Baka Bet Mo: Doc Willie Ong kinukuha na ng namayapang ina: ‘Come to me’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Doon po sa mga nagtirik ng kandila, nagpamisa kay Doc Willie, nagpunta kay Padre Pio, maraming-maraming salamat,” saad ni Liza.

Dagdag pa niya, “Sa mga nagpadala po ng mga religious items for Doc Willie, maraming-maraming salamat po.”

Nagbigay rin ito ng ilang mga detalye para sa mga nagnanais dumalaw kay Doc Willie.

“Sa mga gusto pong dumalaw […] ‘pag malakas-lakas na po si Doc Willie. Ngayon kasi syempre almost every day may injection, may chemo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So minsan, may hingal kaunti. So, ‘pag nakalakas-lakas na siya saka tayo dumalaw kay Doc Willie. So, thank you sa mga pasabi ninyo na gusto ninyong makita si Doc,” sabi pa ni Doc Liza .

Pangako naman ni Doc Willie, “Kung bubuhayin pa ako ng Diyos, babalik tayo. Aayusin ko talaga ang healthcare. Wala akong pake, tandaan n’yo. Wala akong pake. Sasagasaan lahat ng sasagasaan, para makuha ‘yan.

“Naintindihan n’yo man o hindi ginagawa ko, sure ako para sa inyo ‘to.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending