Doc Willie Ong kinukuha na ng namayapang ina: 'Come to me'

Doc Willie Ong kinukuha na ng namayapang ina: ‘Come to me’

Ervin Santiago - September 24, 2024 - 12:40 AM

Doc Willie Ong kinukuha na ng namayapang ina: 'Come to me'

Willie Ong

KINUKUHA na raw ng kanyang namayapang ina ang cardiologist at tinaguriang Doktor ng Bayan na si Dr. Willie Ong.

Patuloy na nakikipaglaban ngayon si Doc Willie sa sarcoma o abdominal cancer pero kung talagang oras na para siya’y magpaalam ay maluwag niyang tatanggapin.

Sa panayam ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” ay naikuwento ng dating vice presidential candidate ang nakita niyang “vision” ng namayapang ina.

Ayon kay Doc Willie, kinukuha na raw siya ng kanyang nanay nu’ng minsan siyang managinip.

“Nagkakaroon na ako ng visions before that time. I saw my mom who died two years ago. ‘Yung mommy ko sa dream ko, kinukuha na niya ako,” rebelasyon ng doktor.

Baka Bet Mo: Rendon Labador binanatan ng kapatid: Kinukuha ka naman pala, anong iniiyak mo?

“She called me, ‘Willie boy, come to me, come to me!’ Parang sabi ng nanay ko: ‘You’ve done your job on earth. Ginawa mo nang 60 years, e,’” pagbabahagi pa niya.

Ang sabi pa ni Doc Willie Ong, kung anuman ang maging resulta ng pinagdaanan niyang pagsusuri nitong mga nagdaang araw ay tatanggapin niya nang walang galit o takot.


“Kapag sinabing walang pag-asa, e ‘di tapos. That’s it pansit,” sabi niya.

Samantala, mariin ding sinabi ng doktor na wala siyang nakuha kahit na magkano sa dalawang beses na pagtakbo sa mga nagdaang eleksiyon.

Aniya, “25 years na akong walang bayad ang pasyente ni isa. Pharma company ni isa, hindi ako nalalagyan. Wala akong foreign trips abroad.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Campaign for senator, 2019, how much did I spend? P500,000. Campaign with Isko (Moreno), wala akong tinanggap na pera. I could have gotten tens of million, pero hindi,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending