Rendon Labador binanatan ng kapatid: Kinukuha ka naman pala, anong iniiyak mo? | Bandera

Rendon Labador binanatan ng kapatid: Kinukuha ka naman pala, anong iniiyak mo?

Therese Arceo |March 22,2023
facebook
share this

Rendon Labador binanatan ng kapatid: Kinukuha ka naman pala, anong iniiyak mo?

Therese Arceo - March 22, 2023 - 06:06 PM

Rendon Labador binanatan ng kapatid: Kinukuha ka naman pala, anong iniiyak mo?

MISMONG kapatid na ni Rendon Labador na sa si Jormiel Labador o kilala rin bilang “Haring Bangis” ang sumupalpal sa motivational speaker sa mga talak nito kay Coco Martin.

Sa pamamagitan ng isang video na in-upload sa Facebook ay naglabas ito ng saloobin ukol sa viral video ni Coco Martin kung saan nasabi ng aktor na kinukuha pala niya ang magkapatid para sa Kapamilya aksyonserye na “FPJ’s Batang Quiapo”.

“O, ayun, kinukuha naman pala, e. Bakit ganun? Ano pang iniiyak ni utol? Tol, anong problema? Anong iniiyak mo?” saad ni Jormiel kay Rendon.

“Si utol kasi parang may lihim na galit kay Coco Martin eh…parang personal eh no. Siguro pinag-acting, hindi nagustuhan, hindi nakuha… Yun ang feeling ko eh, hindi marunong um-acting eh,” pagpapatuloy pa niya.

Nagbigay pa nga ng payo si Jormiel kay Rendon na kung gusto nitong mag-artista ay mag-workshop ito.

“Kung gusto mo talagang mag-artista tol, mag-workshop ka. Baka hindi nag-work shop, baka puro gym…Tol wag puro gym, mag-workshop ka, gusto mo palang mag-artista [pero] ayaw mong mag-workshop. Parang gusto mo lumaki katawan mo tapos ayaw mong mag-gym,” sey ni Jormiel sa kapatid.

Talak pa niya kay Rendon, “Umiiyak ka sa Facebook tapos di ka naman pala marunong um-acting. Aktingan talaga laban dyan!”

Baka Bet Mo: Rendon Labador binanatan si Coco Martin: ‘Hindi ka ba talaga nakakaintindi?’

Nabanggit rin ni Jormiel na wala raw siyang alam na kinukuha rin pala siya ni Coco para sa “FPJ’s Batang Quiapo”.

“Kung kinukuha talaga ako, papayag ako. Ang next step natin dyan, magte-training ako,” pagbabahagi pa ng kapatid ni Rendon.

Ayon pa sa kanya, matagal na niyang nais mag-artista ngunit hindi nabibigyan ng break.

Chika ng kapatid ni Rendon, “Dati pa akong nag-aartista e. Hindi lang ako sumisikat kasi hindi pa siguro time no’n. Pero sa tingin mo, this is the time no? Ito na e. Bibigyan na ako ng break.

Hindi naman mawari ng mga netizens kung sarcastic lang ang binata o talagang ito ang kanyang nararamdaman lalo na’t tila binabardagol niya ang kapatid

Matatandaang nag-trending kamakailan si Rendon matapos niya i-call out nang ilang beses ang Kapamilya actor na si Coco Martin ukol sa pagte-taping nito sa Quiapo na nakaaapekto raw sa mga nagtitinda sa lugar.

Kamakailan ay lumabas ang video kung saan nagbahagi ng pahayag si Coco at sinabing in-offer-an nila noon ang motivational speaker at ang kapatid nito na maging parte ng programa ngunit hindi natuloy.

Sinabi rin ni Coco na hayaan na lamang si Rendon at iniintindi na lang niya kung saan ito nanggagaling.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Rendon Labador muling bumanat kay Coco Martin: Settle niya muna siguro ang issue niya sa mga vendors

Rendon Labador kinuha noon para maging parte ng ‘Batang Quiapo’, may pa-open letter kay Coco Martin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending