Rendon Labador binanatan si Coco Martin: 'Hindi ka ba talaga nakakaintindi?' | Bandera

Rendon Labador binanatan si Coco Martin: ‘Hindi ka ba talaga nakakaintindi?’

Therese Arceo |March 04,2023
facebook
share this

Rendon Labador binanatan si Coco Martin: ‘Hindi ka ba talaga nakakaintindi?’

Therese Arceo - March 04, 2023 - 10:47 PM

Rendon Labador binanatan si Coco Martin: 'Hindi ka ba talaga nakakaintindi?'
GALIT na galit ang social media personality na si Rendon Labador sa Kapamilya actor na si Coco Martin.

Ito ay may kinalaman sa isinasagawang taping ng “FPJ’s Batang Quiapo” dahil labis itong nakakaapekto sa hanapbuhay ng mga nagtitinda sa Quiapo.

Saad ni Rendon sa kanyang post, “Hindi pa ba tumitigil? Tigas ng mukha mo Coco Martin, kailangan pa bang sabihan kita ng dalawang beses? Nakaka-abala ka na sa mga negosyanteng vendor natin diyan sa Quiapo.

“Kung hindi mo babayaran lahat ng damages at losses sa pag gamit mo ng lugar, umalis-alis ka na diyan. Para sa PUBLIKO at MAMAYANG PILIPINO YAN! Ginawa mong pansarili mo lang? Hindi ka batang Quiapo, isa kang ‘anak ng tokwa’.”

Bukod sa Facebook post ay may in-upload rin si Rendon na video kung saan makikitang gigil na gigil siya.

Umani naman ito ng samu’t saring reaksyon mula sa madlang pipol. May ilan na ipinagtatanggol ang programa at si Coco at may iba naman na pumanig sa social media influencer.

“The design is very gustong ma cast, antay ka lang baka need ng maskuladong tamad sa set,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Korek ka jan rendon nakakaabala sila sa nag hahanap buhay buti sana kong binabayaran niya ang bawat araw na pag aabala sa vendors.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)

“totoo naman kasi na realtalk lang kyo ng reality ng buhay. unless binabyrn nia ung mga araw na hindi nkkpg tinda ang mga vendors wlang msama kahit gno pa sya ktgl mag taping don,” dagdag pa ng isa.

Hirit naman ng isa, “Ikaw matigas ang mukha! Para lng may e content noh pati si Coco Martin gagamitin mo para lng may mapag usapan weeeee, Kaya hindi kita fina follow eh pero daan ka pa rin ng daan sa NewsFeed q Yawa.”

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nag-react si Rendon hinggil sa naturang isyu ng “FPJ’s Batang Quiapo”.

Wala pa namang pahayag ang programa maging ang pamunuan ng ABS-CBN hinggil sa isyu.

Bukas naman ang Bandera para sa pahayag ng mga kampo na sangkot sa isyung ito.

Related Chika:
Donnalyn Bartolome binarag ng socmed personality na si Rendon Labador, netizens rumesbak: ‘Respeto naman!’

Bakit nga ba pumili ng mga social media influencers si Coco Martin na maging parte ng ‘Batang Quiapo’?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rendon Labador kay Toni Fowler: Sana irespeto mo ‘yung future ng anak mo

Vice super proud kay Coco: ‘Mag-BFF na kami wala pa kami sa showbiz tapos ngayon Primetime King na! Kakakilabot!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending