Rendon Labador kinuha noon para maging parte ng 'Batang Quiapo', may pa-open letter kay Coco Martin | Bandera

Rendon Labador kinuha noon para maging parte ng ‘Batang Quiapo’, may pa-open letter kay Coco Martin

Therese Arceo |March 18,2023
facebook
share this

Rendon Labador kinuha noon para maging parte ng ‘Batang Quiapo’, may pa-open letter kay Coco Martin

Therese Arceo - March 18, 2023 - 03:05 PM

Rendon Labador kinuha noon para maging parte ng 'Batang Quiapo', may pa-open letter kay Coco Martin

INAMIN ng motivational speaker na si Rendon Labador na kinukuha siya noon ng “FPJ’s Batang Quiapo” para maging parte ng teleserye.

Sa kanyang Facebook post nitong Biyernes, March 17, ibinahagi niya ang video ng aktor at direktor na si Coco Martin kung saan inamin nito na binalak nilang maging parte ang motivational speaker ng kanilang serye ngunit hindi natuloy.

Sinabi rin ng Kapamilya actor sa video na maging ang kapatid ni Rendon ay kinukuha nila pero hindi natuloy.

Nang tanungin naman siya kung ano ang masasabi niya sa ginagawa ng motivational speaker na pagbanat sa kanya sa socmed, malumanay itong sumagot.

“Ako naman inuunawa ko na lang sila,” sey ni Coco at sinabing hayaan na lamang si Rendon.

Kalakip ng video na in-upload ng motivational speaker ay ang open letter nito para sa Kapamilya actor.

“OPEN LETTER TO COCO MARTIN!!! Yes, January palang nakikipag negotiate na sila saakin para mabigyan ako ng role sa BATANG QUIAPO. Totoo yan! Nag rerequest ako ng meeting sakanila para maayos ang collaboration. Hindi sila corporate kausap kaya hindi namin masyado binigyan ng pansin,” umpisa ni Rendon.

Pagpapatuloy niya, “Nag follow up sila ng second time at gusto daw nila ako i include, tinawagan namin sila at nakausap. Wala silang maayos na direction sa role na offer pati sa story hindi organized, kaya hindi na ulit namin pinansin.”

Chika pa ni Rendon, marami raw siyang mahahalagang commitment para bigyan ng oras ang isang bagay na wala raw direksyon.

Aniya, “Pwede yan sa mga taong walang ginagawa sa buhay at nag sisimula palang sa industry o kaya yung mga artista o celebrity na walang mga projects. Hindi ko sila minamaliit, its just that hindi lang kaya ng oras at commitment ko ngayon.”

Dagdag pa ni Rendon, abala raw siya sa pagpapatayo ng kanyang negosyo gaya ng sports bar at restaurant.

Professional naman daw siyang kausap sa business kaya nga raw hindi niya na binanggit pa ang offer na natanggap niya sa “Batang Quiapo” na twice daw niyang tinanggihan.

Baka Bet Mo: Rendon Labador binanatan si Coco Martin: ‘Hindi ka ba talaga nakakaintindi?’

“Kaya nga hindi ko na sinabi na kinukuha mo ako at 2x ako nag decline. Wala naman akong paki alam diyan sa mga pinag gagawa ninyo. Kaya kong gumawa ng BATANG DIVISORIA kung gugustuhin ko lang, Gets mo?

FYI: Intindihin mo din na iba ang reputation ko dito sa socmed!” hirit pa ni Rendon.

Meron daw kasi siyang advocacy na maging boses ng mga taong hindi kayang i-boses o sabihin ang kanilang karapatan.

Sey ni Rendon, “At wala akong paki alam kung sino ang masasagasaan ko, Lalo na sayo! Kung gusto mong i respeto kita, paki respeto din ang mga maliit nating mga negosyante diyan sa Quiapo.

“Wala naman silang pera katulad natin. Nag su survive lang ang mga yan sa pang araw araw nila. Yun ang punto ko. Sana maintindihan mo. Alam kong negosyante ka din, sana lang simulan mo na mag hanap ng sarili mong studio para hindi mo magamit ang pang publikong lugar para sa iyong pansariling interes. Huwag kang tanga.”

Hirit pa ni Rendon, kung gusto raw siyang kuhain ni Coco para sa mga projects nito ay ibang usapan ‘yun. Dapat raw ay mag-book ito ng appointment sa kanta at mag-usap as “businessman” at “lalaki sa lalaki”.

Giit pa niya, “Pero bago kita kausapin, ayusin mo muna ang mga vendors sa Quiapo! Then lets talk about business.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Ogie Diaz tinalakan si Rendon Labador: Huwag natin pairalin yung pagiging siga

Rendon Labador muling bumanat kay Coco Martin: Settle niya muna siguro ang issue niya sa mga vendors

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending