Ogie Diaz tinalakan si Rendon Labador: Huwag natin pairalin yung pagiging siga | Bandera

Ogie Diaz tinalakan si Rendon Labador: Huwag natin pairalin yung pagiging siga

Therese Arceo |March 11,2023
facebook
share this

Ogie Diaz tinalakan si Rendon Labador: Huwag natin pairalin yung pagiging siga

Therese Arceo - March 11, 2023 - 06:47 PM

Ogie Diaz tinalakan si Rendon Labador: Huwag natin pairalin yung pagiging siga

NAG-REACT ang talent manager at komedyanteng si Ogie Diaz sa mga naging pahayag ni Rendon Labador sa Kapamilya actor na si Coco Martin.

Sa kanyang “Showbiz Update” vlog ay napag-usapan nila kasama si Mama Loi at Mrena ang trending video ng motivational speaker kung saan matapang nitong tinawag ang pansin ng Kapamilya star sa isinasagawang taping sa Quiapo na may hindi raw magandang epekto sa mga nagtitinda sa lugar.

“Pag motivational speaker ka dapat hinay lang sa pagsasalita. Huwag yung parang nananakot ka na parang siga ba. Huwag yung ganun.Syempre yung mga ganyan, hindi naman basta pumunta lang sa Quiapo at nag-shooting. Humingi yan ng permit sa barangay, humingi yan ng permit sa City Hall,” saad ni Ogie.

Dagdag pa niya, “Hindi ba dapat ang kino-call out mo o yung dapat na sinasabihan mo yung barangay doon na sumasakop sa Quiapo. Hindi ba dapat ang sinasabihan mo ay yung Mayor’s Office. Di ba sila dapat? Kasi hindi naman sila matutuloy doon kung hindi sila pinayagan.”

Bagama’t naiintindihan ni Ogie at pinuri pa nito ang pagmamalasakit niya sa mga Quiapo vendors ay pinuna naman nito ang naging pamamaraan ni Rendon ng pag-call out kay Coco at sa produksyon ng “FPJ’s Batang Quiapo” ay sumobra.

“Sana yung mahinay lang. Malay mo pakinggan ka pag mahinay ka. Huwag natin pairalin yung pagiging siga.”

Baka Bet Mo: Rendon Labador binanatan si Coco Martin: ‘Hindi ka ba talaga nakakaintindi?’

Dagdag pa niya sa mahinahon na paraan, “At the end of the day dapat maging mahinahon lang tayo sa pag-ko-call out Rendon.”

Hiling ni Ogie na sana raw ay maintindihan ni Rendon ang kanilang punto dahil wala namang problema sa pagiging matapang pero sana ay idaan ito sa maayos na usapan.

“Huwag na tayong naninindak, huwag ng nananakot. Ang importante maipahatid mo yung mensahe mo sa maayos at mahinahon at malumanay na paraan,” hirit pa ni Ogie.

Wala naman silang ideya kung papatulan ito ni Coco pero payo nila na huwag na lang itong pansinin.

“Kunwari ako ‘yung manager ni Coco? Huwag, Coco. You choose your battles,” sey pa ni Ogie Diaz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Rendon Labador kay Toni Fowler: Sana irespeto mo ‘yung future ng anak mo

Smugglaz, Bassilyo kinampihan si Coco Martin, binanatan si Rendon Labador

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending