Rendon Labador muling bumanat kay Coco Martin: Settle niya muna siguro ang issue niya sa mga vendors | Bandera

Rendon Labador muling bumanat kay Coco Martin: Settle niya muna siguro ang issue niya sa mga vendors

Therese Arceo |March 09,2023
facebook
share this

Rendon Labador muling bumanat kay Coco Martin: Settle niya muna siguro ang issue niya sa mga vendors

Therese Arceo - March 09, 2023 - 05:23 PM

Rendon Labador muling bumanat kay Coco Martin: Settle niya muna siguro ang issue niya sa mga vendors

MUKHANG hindi pa rin matatapos ang pagpaparinig ng social media personality na si Rendon Labador laban sa Kapamilya actor na si Coco Martin.

Muli kasi itong nag-post sa kanyang Facebook account kaugnay ng isyu sa mga manininda sa Quiapo at dawit na naman ang pangalan ng aktor.

“Settle niya muna siguro ang issue niya sa mga vendors ng Quiapo bago ko pag isipan tong gusto ng mga netizen,” saad ni Rendon.

Dagdag pa niya, “Ang totoong action star ay hinaharap ang mga problema hindi nag tatago sa likod ng mga influencers/ celebrities na kasali sa show niya.”

Popular now kasi sa Facebook ang “Rendon Labador vs. Coco Martin” kung saan makikita ang samu’t saring opinyon ng mga netizens at ilang personalidad hinggil sa isyu.

Makikita sa comment section na nag-comment ang isa sa mga rapper na si Shernan.

Baka Bet Mo: Rendon Labador binanatan si Coco Martin: ‘Hindi ka ba talaga nakakaintindi?’

“Alam mo ate rendon hindi ka papansinin ni coco masyado kang mahina kahit malaki katawan mo maliit na tao ka lang sakin pa lang di ka na uubra,” saad ng rapper.

Sagot naman ng motivational speaker, “Shernan sino ba si Coco Martin sa tingin mo at kailangan kong mag papansin? Cheap ng production at walang budget. Palibhasa hindi kayo financially stable kaya lahat ng pag papasipsip gagawin ninyo.”

Dagdag pa ni Rendon, “Wala naman akong paki alam sa inyong lahat. Pinag lalaban ko lang ang mga kawawang vendors.”

Marami sa mga netizens ang nag-comment at sinabing tigilan na nito ang mag-post at magpapansin sa social media.

“Hello ate Rendon galing ako ng quiapo ngayon lang to verify itong kagagahan mo sabi naman ng vendors masaya sila sa shooting at pag highlight sa quiapo ng abs cbn mas dumadagsa daw tao ngayon so ano itong pagpapapansin mo ate????” sey ng isang netizen.

Chika naman ng isa, “May permit yan. Dapat si accla kay Mayor magreklamo hindi kay Coco.”

“kung gusto mong matulungan mga vendor sa quiapo, ikaw mismo pumunta dun, hindi yung sa socmed ka nag iingay, para kang bata na pag hinamon ng suntukan tatakbo sa kuya, ikaw naman ginagawa mo manghahamon ka ng gulo pero sa likod ng socmed ka nag tatago,” hirit naman ng isa kay Rendon.

Mukha namang dedma lang si Coco sa mga pahayag ng social media personality laban sa kanya at patuloy pa rin ang isinasagawang taping ng produksyon sa Quiapo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Donnalyn Bartolome binarag ng socmed personality na si Rendon Labador, netizens rumesbak: ‘Respeto naman!’

Coco Martin puring-puri ni Cristy Fermin, ikinumpara kay Willie Revillame

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending