Coco Martin puring-puri ni Cristy Fermin, ikinumpara kay Willie Revillame | Bandera

Coco Martin puring-puri ni Cristy Fermin, ikinumpara kay Willie Revillame

Therese Arceo |February 17,2023
facebook
share this

Coco Martin puring-puri ni Cristy Fermin, ikinumpara kay Willie Revillame

Therese Arceo - February 17, 2023 - 05:49 PM

Coco Martin puring-puri ni Cristy Fermin, ikinumpara kay Willie Revillame

TALAGANG napahanga ang kolumnistang si Cristy Fermin sa aktor na si Coco Martin at sa successful airing ng teleserye nitong “FPJ’s Batang Quiapo”.

Sa kanyang episode noong February 16 sa “Showbiz Now Na” ay napag-usapan nga nila nina Romel Chika at Wendell Alvarez ang magandang pagtanggap ng mga tao sa naturang teleserye.

Ani Cristy, “Unang tatlong gabi po ng matagumpay na pagpapalabas ng ‘Batang Quiapo’… Iba pa rin talaga ang karisma ng Coco Martin pagdating sa serye.”

Pero ang labis na hinangaan ng kolumnista ay ang mabuting loob nito sa kanyang mga kasamahan na mismong si Pen Medina ang nagsiwalat.

Sa naging mediacon ng “Batang Quiapo” ay inamin ng beteranong aktor na napakalaki ng itinulong ni Coco sa kanyang pagpapagamot at pagpapagaling.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)

“Yun pong pagpapaospital ko, naoperahan ako sa spine, pinakamatinding tumulong po sa akin si Coco. Kaya nang lumabas ako as early as August, nagpasalamat ako sa kanya. Tineks ko siya. Ang sinagot niya sa akin, ‘Tito Pen, malakas ka na ba? Taping tayo para hindi ka mainip sa bahay,” pagbabahagi ni Pen.

Ramdam daw ng kolumnista na talagang may paggalang ang aktor sa kanyang senior actor at ang pagtulong nito ay talagang busilak.

“Ang pagtulong po ni Coco Martin kay Tito Pen (Medina), pinuri po ng ating mga kababayan. Dahil ‘yan po ay sinabi ni Tito Pen Medina sa mediacon, sa press con ng batang Quiapo na kasagsagan naman ng issue ng panunumbat ni Willie Revillame sa mga taong natulungan niya,” saad ni Cristy.

Marami raw ang nagkukumpara sa dalawa dahil alam mong walang panunumbat ang “Batang Quiapo” star at hindi ipinapamukha sa iba ang naitulong niya hindi raw gaya ng “Wowowin” host.

Naikwento rin ni Cristy na mayroon raw noon silang kasamahan na naospital hanggang sa pumanaw ang tinulungan ni Coco.

“Nagpilit siya na magpadala ng tulong sa kasamahan namin at yun po ay walang sabi-sabi. Nagpapadala siya nang hindi ipinagkaka-maingay… At siya ay naniniwala na kaya siya pinupuno ng biyaya ng Panginoon ay para makapagbahagi siya sa mas nangangailangan,” sey pa ni Cristy.

Related Chika:
Confirmed: Coco Martin, Lovi Poe magtatambal sa remake ng ‘Batang Quiapo’ nina FPJ at Maricel

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bakit nga ba pumili ng mga social media influencers si Coco Martin na maging parte ng ‘Batang Quiapo’?

Vice super proud kay Coco: ‘Mag-BFF na kami wala pa kami sa showbiz tapos ngayon Primetime King na! Kakakilabot!’

Wish ni Lovi tinupad ng ABS-CBN, makakatambal na si Coco: Hindi pa rin ako makapaniwala na ginagawa ko na ang ‘Batang Quiapo’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending