Rendon Labador hinamon ni Big Mak na pumunta sa set ng 'Batang Quiapo': Maling mali talaga 'yang mga sinasabi mo | Bandera

Rendon Labador hinamon ni Big Mak na pumunta sa set ng ‘Batang Quiapo’: Maling mali talaga ‘yang mga sinasabi mo

Therese Arceo |March 14,2023
facebook
share this

Rendon Labador hinamon ni Big Mak na pumunta sa set ng ‘Batang Quiapo’: Maling mali talaga ‘yang mga sinasabi mo

Therese Arceo - March 14, 2023 - 09:42 PM


TULOY-TULOY lang ang pakikipagtalakan at pakikipagbardagulan ng motivational speaker na si Rendon Labador ukol sa diumano’y isyu ng mga nagtitinda sa Quiapo at pati ang daloy ng trapiko sa lugar.

Matatandaang ilang linggo na rin ang lumipas buhat nang una niyang tawaging ang pansin ni Coco Martin hinggil sa reklamo ng isang tindera sa Quiapo kung kailan matatapos ang pagte-taping ng mga ito sa kanilang lugar dahil nakakaapekto raw ito sa kanilang hanapbuhay.

Mula rito ay lumaki na ang isyu lalo na nang maglabas si Rendon ng video kung saan makikitang galit na galit ito at tinawag pang “anak ng tokwa” ang Kapamilya actor.

Rumesbak na nga ang mga cast ng “Batang Quiapo” na sina Smugglaz, Bassilyo at Shernan kung saan pinagsabihan ang motivational speaker na tigilan na nito ang pag-iingay sa social media at pagsasalita ng hindi magaganda laban sa Kapamilya actor.

Bukod pa rito ay inimbitahan rin nila si Rendon na pumunta ng Quiapo upang malaman kung saan ang sinasabi nitong trapik na sila diumano ang may kagagawan.

Isa na namang personalidad at isa sa mga cast ng “Batang Quiapo” ang nag-react sa pahayag ng motivational speaker.

Sey ni Big Mak sa isang YouTube vlog, wala raw katotohanan ang mga pinagsasasabi ni Rendon laban sa kanila.

Baka Bet Mo: Rendon Labador binanatan si Coco Martin: ‘Hindi ka ba talaga nakakaintindi?’

“Hindi naman kasi fully totoo ‘yung mga accusations mo. Pag nag-te-taping kami, hindi naman kami nakababad sa isang kalye, sa isang daan. Hindi kami humaharang sa gitna atsaka bawat eksena mabilis lang. Wala pa sigurong 30-minutes. Siguro maximum 1-hour bawat eksena. So, hindi kami masyado super nakaka-cause ng traffic,” lahad ng dating PBA player.

Chika pa niya, dapat raw ay pumunta sa kanilang set si Rendon pra siya mismo ang makasaksi kung paano sila sa lugar at sinabi ring may permit sila at pati na rin si Manila Mayor Honey Lacuna ay nakadalaw na rin sa kanila.

“Sana intindihin mo rin. Kung may mga question ka or mga complaints ka, go to the set and kausapin mo ‘yung production namin, kausapin mo ‘yung direktor namin, kausapin mo ‘yung barangay kapitan para maliwanagan ka kasi bro, maling-mali talaga ‘yang mga sinasabi mo,” sey ni Big Mak kay Rendon.

Marami ring nasaktan ang motivational speaker sa mga naging pahayag nito at hindo lang ang bidang si Coco Martin.

“Hind lang naman si Direk Coco ‘yung tinira mo, eh. Lahat ng staff, crew, production, direktor, talents, actors, actresses. Marami ka na namang sinaktan,” giit pa ni Big Mak.

Sa kabila naman ng mga komento ni Rendon laban sa programa ay masaya namang ibinahagi ni Mayor Honey dahil mataas ang ratings ng programa at naipapakita pa nito sa mga manonood ang kagandahan ng programa.

Related Chika:
Ogie Diaz tinalakan si Rendon Labador: Huwag natin pairalin yung pagiging siga

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rendon Labador muling bumanat kay Coco Martin: Settle niya muna siguro ang issue niya sa mga vendors

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending