Donnalyn may hugot sa pagbabalik-trabaho ngayong 2023, netizens napataas ang kilay: 'Amaccana accla' | Bandera

Donnalyn may hugot sa pagbabalik-trabaho ngayong 2023, netizens napataas ang kilay: ‘Amaccana accla’

Therese Arceo |January 04,2023
facebook
share this

Donnalyn may hugot sa pagbabalik-trabaho ngayong 2023, netizens napataas ang kilay: ‘Amaccana accla’

Therese Arceo - January 04, 2023 - 02:09 PM

Donnalyn may hugot sa pagbabalik-trabaho ngayong 2023, netizens napataas ang kilay: 'Amaccana accla'
TRENDING na naman ang singer-vlogger na si Donnalyn Bartolome dahil sa kanyang latest post patungkol sa pagbabalik trabaho matapos ang holiday season.

Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi ng dalaga ang kanyang obserbasyon patungkol sa mga tao ngayong back to work na matapos ang mahaba-habang bakasyon.

Sey ni Donnalyn, “Bakit may sad dahil back to work na? Diba dapat masaya ka kasi may chance ka na pagandahin buhay mo at ng pamilya? Trip ko pa nga may work ng January 1 dahil superstition ko may work ako buong taon pag ganun.

“Dapat grateful kasi may work. If work makes you unhappy, I hope you find a job that will. Yung pakikiligin ka and sheet. Anyway, this is just a reminder that having a job is a blessing bessss change mindset, it’s 2023!!”

Agad namang umani ng reaksyon ang naturang post ni Donnalyn mula sa mga netizens na karamihan ay mga nagtatrabaho.

Maeami sa mga ito ang tila nanggigigil sa dalaga dahil sa pagiging “bulag” nito sa katotohanan at tila pagiging privilege nito bilang social media influencer.

“Litaw na litaw dito kung gaano ka kamangmang sa kalagayan ng mga manggagawa sa Pilipinas. Ito ang mahirap sa mga taong detached sa reyalidad,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “SIS IKAW BA NAMAN WELL-COMPENSATED AT MILYON KINIKITA SYEMPRE FEELING LUCKY KA TALAGA!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donnalyn 🇵🇭 (@donna)

“Being sad does not imply being ungrateful. Some have to go back abroad to work, and some only get to see their family on weekends or holidays. People can be sad AND grateful at the same time,” sey naman ng isa.

Hirit naman ng isa, “2023 na ante Donnalyn. Out of touch ka pa rin. Amaccana accla!”

May ilan rin namang nagtanggol sa vlogger.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na na-call out ng madlang pipol ang dalaga dahil sa mga ginagawa at pino-post nito online.

Matatandaang last year lang nang sunud-sunod na nadawit sa kontrobersya si Donnalyn dahil sa diumano’y pagiging “privileged” nito bagay na kinainisan ng netizen.

Ang una ay ang baby-themed photoshoot para sa kanyang birthday kung saan nag-dress up siya bilang baby in a seductive way.

Marami ang pumalag sa ginawa ni Donnalyn dahil tila pini-feed nito ang sexual fantasies ng mga pedophiles at perpetrators.

Ang sumunod naman ay ang kanyang kato-themed birthday vlog kung saan sinabi niyang nais niya lang alalhanin ang kanyang mga naranasan noon na simpleng handaan ngunit marami ang nag-react at sinasabing poverty porn raw ang ginagawa ng dalaga at ginawa pang content ang pagiging mahirap ng mga tao para pagkakitaan.

Sa ngayon ay wala pa namang pahayag si Donnalyn patungkol sa kanyang trending post.

Related Chika:
Donnalyn Bartolome nag-sorry matapos ma-bash sa ‘sexy baby’ photoshoot: It was an honest mistake…I feel terrible

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Donnalyn Bartolome ‘biniktima’ si Ryan Bang, humingi ng P100k para sa talent fee

Donnalyn nilinaw na hindi kinasuhan si Jose Hallorina: Paano mo ko ako matatalo sa korte?

Donnalyn Bartolome may pakiusap sa netizens para kay Zeinab Harake: Be kind

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending