Paolo Contis, Yen Santos gumora sa Bora...as a friend pa rin ba o magdyowa na? | Bandera

Paolo Contis, Yen Santos gumora sa Bora…as a friend pa rin ba o magdyowa na?

Ervin Santiago |December 30,2021
facebook
share this

Paolo Contis, Yen Santos gumora sa Bora…as a friend pa rin ba o magdyowa na?

Ervin Santiago - December 30, 2021 - 02:22 PM

Ito ang ilan sa mga litrato umano nina Paolo Contis at Yen Santos na kumalat sa Facebook

HOT topic na naman ngayon ang Kapuso actor na si Paolo Contis at Kapamilya actress na si Yen Santos matapos kumalat sa social media ang umano’y mga bagong litrato ng rumored couple.

Pinagpipiyestahan na naman ng mga “Marites” at “Marisol”, isama na rin si “Marichu”, ang mga photos nina Paolo at Yen na magkasama sa airport habang naghihintay ng kanilang flight patungong Boracay.

Makikita sa mga litrato na kumalat sa Facebook ang dalawa na parehong naka-face mask pero marami pa rin ang nakakilala da kanila. At kahit pa naka-shades si Yen ay hindi raw maipagkakailang siya ang nasa larawan.

Tila pang-asar din ang ginamit na caption na “as a friend” ng mga nag-repost ng litrato nina Paolo at Yen na pinaghihinalaang magdyowa na ngayon.

Sumikat at naging laman ng sandamakmak na “memes” ang mga katagang “as a friend” na bahagi ng viral statement ni Paolo noon nang magpunta sila ni Yen sa Baguio.

Pinabulaanan niya kasi na may relasyon sila ng aktres at ito ang third party sa hiwalayan nila ni LJ Reyes at sinabi nga na inimbitahan lamang si Yen sa Baguio “as a friend.”

“TARA NA BORACAY AS A FRIEND…Yen Santos and Paolo Contis spotted in Boracay. Answeet nyo naman!!! Sana all!” ang caption ng FB user na si Miss Babi.

“Tara Boracay as a friend! HAHAHAHAHAHAHAHA!” ang panununkso pa ng isang netizen kina Paolo at Yen.

Bukod sa viral photos ng dalawa na kuha habang kumakain sila sa isang restaurant sa Baguio, pinagpiyestahan din ang mga stolen shots nila habang patungo sila sa Manaoag Church sa Pangasinan.

Kumalat ang kanilang mga litrato ilang linggo matapos mapabalita na nag-break na sina Paolo at LJ. Inamin naman ng Kapuso actor na siya ang nagkasala at naging dahilan ng hiwalayan.

Ngunit ipinagdiinan niya na hindi si Yen ang third party  “She was never the reason of our break up. I was. Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me.

“Masyado niyo siyang diniin sa issue na to. Pati pag promote namin ng movie nabahiran na ng kung anu-ano,” pagtatanggol ng aktor kay Yen.

Aniya, friends lang talaga sila ng aktres na naging leading lady niya sa Netflix movie na “A Faraway Land.”

“When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for 3 days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag isip isip.

“Naging insensitive ako about the possible effects nung issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din.

“She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this,” paliwanag pa ni Paolo.

Habang sinusulat namin ito ay wala pang pag-amin o pagdedenay sina Paolo at Yen pero ayon sa mga netizens naniniwala sila na magdyowa na nga ang dalawa at baka naghihintay lamang ng tamang panahon para ibandera sa buong universe ang kanilang pagmamahalan.

Kung matatandaan, napabalita rin na si Paolo ang kasama ni Yen noong birthday niya base na rin sa mga litratong ipinost niya sa Instagram Stories. Parehong-pareho kasi ng background ang ibinahagi nilang photo sa IG nu’ng araw na yun.

Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag nina Yen at Paolo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)

https://bandera.inquirer.net/293745/anyare-yen-santos-trending-na-naman-matapos-burahin-ang-instagram-posts

Paolo kasama ba ni Yen sa kanyang birthday dinner?

Yen nag-unfollow rin sa Instagram; may koneksyon nga ba sa isyu nina Paolo at LJ?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending